"May problema ba?" tanong ni Adrian ng makita niyang nagpupunas ng luha si Hiyasmen. "Wala, masaya lang ako. Masaya lang ako sobra," tugon ni Hiyasmen at napangiti pa ito. "I love you," saad ni Adrian at hinagkan nito sa labi si Hiyasmen at yumakap ito. "I love you too," tugon muli ni Hiyasmen at muli na namang may tumulong luha sa kanyang mata. Agad naman agad iyon pinunasan ni Hiyasmen para hindi mapansin ni Adrian. "Tayo na baba. Need mo nang kumain at para healthy ka, at si baby ok?" saad ni Adrian. "Adrian.. May.. May gusto lang sana akong sabihin sa iyo, paano ba 'to?" Napakamot si Hiyasmen sa kanyang ulo. "Ano 'yon?" malumanay na tanong ni Adrian. "What if, hindi ko na lang ituloy itong pinagbubuntis ko?" Hindi alam ni Hiyasmen kung paano niya nilaksan ang kanyang loob

