Natanaw ni Adrian si Hiyasmen sa may tabi ng ilog na nakamasid lang sa mga batang mamasayang naliligo. Bakas sa mukha nito ang pag iisip na waring nalulungkot. Kaya nilapitan niya ito upang kausapin, hinanap kasi niya ito dahil nawala ito matapos nilang mamili ng pangregalo sa bayan dahil sa munting salo salo mamaya sa noche buena. Nahiya nga siya dito dahil ito halos ang gumastos para sa handang pagsasalu-saluhan nila sa noche buena. "Are you ok?" tanong ni Adrian kay Hiyasmen nang lapitan niya ito. "Oo naman. Ang saya ng mga bata no? Nakakainggit. Kasi ako, hindi ko man lang naranasan ang ganyang bonding, ang maligo sa ilog na kasama ang kapwa kabataan. Lumaki kasi akong puro gadgets at swimming pool ang nililiguan na tanging yaya pa ang aking nakakasama." Ngumiti si Hiyasmen kay Adr

