Lumipas ang dalawang araw ay parang nawalan ng pag asa si Adrian na makatakas sila, at mas lalong naging kumplikado ang sitwasyon dahil mas lalong humigpit at napapalibutan sila ng mga armadong lalaki. "Daddy... Bakit tayo kinuha at kinulong dito ng mga bad guys? Wala naman tayong kasalanan sa kanila diba?" saad ni Adriana Angel. "Hindi ko rin alam anak, don't worry makakatakas din tayo dito at kung hindi man, hindi tayo pababayaan ng Diyos," tugon ni Adrian. Hindi na rin nakausap ni Adrian, ang hit man na nagdala sa kanila dahil wala ito dito sa loob ng dalawang araw na pananatili nila doon. Gusto rin makaharap ni Adrian ang taong nasa likod sa nangyayari sa kanila ngunit tulad ng hit man hindi rin ito nagpapakita sa kanila. "Ikaw ok ka lang ba anak?" tanong naman ni Adrian kay C

