"Hey... Are you ok?" puna ni Hiyasmen kay Adrian habang nagmamaneho. Hindi kasi ito mapalagay at panay ang tingin sa rear view mirror at sa side view mirror. At napapadalas ang pag bubuntong-hininga. "Ha?" tanging tugon nito at nakakunot ang noo na tumingin kay Hiyasmen. "Sabi ko kung ok ka lang ba? Hindi ka kasi mapakali eh, parang hindi mo alam ang ginagawa mo," saad muli ni Hiyasmen dito. At pagkakataong iyon si Hiyasmen na ang napakunot ang noo. "Oo naman... Hayyy.... Actually, sa totoo lang hindi ko alam kung tama pa ba itong tinatahak natin. Parang napaka unfamiliar na sa akin ang highway na ito, ewan ko ba? Parang bagong highway lagi ang paningin ko," tugon muli ni Adrian. "Ganun ba. Ok sige, ihinto mo na lang ang sasakyan at ako na ang magmamaneho, palit tayo," mungkahi n

