Ma'am!!! Si Adriana Angel po, nawawala. Ma'am, sir!" sigaw ng katulong habang sunod-sunod na kinakatok ang kanilang pinto. "Manang kalma, ano bang nangyari?" tanong ni Adrian sa katulong. "Nawawala po si Adriana Angel, pagkagising po namin wala na ito sa kanyang kinahihigaang kama. Sir! Patawad, hindi man lang namin nabantayan si Adriana Angel," saad ng katulong. Tumakbo naman si Adrian at Hiyasmen sa kwarto ni Adriana Angel, ngunit wala nga ito. Isang pirasong papel lang ang naiwan sa kama na may note kaya agad binasa iyon ni Adrian. "Na miss mo ako? I miss you too.. Kung gusto mo pang makita ang anak mo, makipagkita ka sa akin Adrian. Ibibigay ko ang address ko, sa takdang panahon. Adrian, Hiyasmen, tandaan ninyo! Huwag na huwag kayong magtatangkang tumawag man o humingi ng tulo

