"Hey.. Anong iniisip mo?" tanong ni Clarkson kay Krisha. "Si Adrian, naaawa kasi ako sa kanya. Tulungan natin siya," saad ni Krisha. "Oo naman. Iyan nga ang dapat sasabihin ko, naunahan mo lang ako," tugon ni Clarkson. "Naalala mo 'yong pangalawang kasal natin? Yong gift ni Adrian, para sa atin?" tanong ni Krisha, kay Clarkson. "Hindi ko na maalala eh, ano nga 'yon?" tanong ni Clarkson. Napangiti na lang si Krisha at muling inaalala ang kasal nila kung saan may munting regalo si Adrian sa kanila. ********** "Ma'am, Sir. May nag papa abot lang po ayaw pong sabihin kung galing kanino basta po ang sabi epecial gift po para sa inyo," saad ng isang coordinator ng kanilang kasal. Kinuha naman agad ni Krisha ang sobre at binasa ito para alamin kung ano ito at saan galing. "Ticket i

