Kinaladkad ni Hanna si Hiyasmen patungo sa saksakyan nito. Walang nagawa si Hiyasmen, kundi kapitan na lang ang kanyang tiyan dahil tila walang paki alam si Hanna kung may masama man na mangyari sa kanya dahil siya'y nagdadalang tao lalo na't kabuwan na niya. "Nasasaktan ako Hanna, parang awa mo na," saad ni Hiyasmen dito. Pero, nanatiling parang bingi at walang paki alam si Hanna sa kay Hiyasmen. Kaya, napapaiyak na lang si Hiyasmen. "Wala akong paki alam! Kung tutuusin pwedeng pwede kitang patayin na ngayon eh. Pero, mabait pa naman ako dahil alam kong gugustuhin mong makita ang anak mo at asawa mo sa huling hininga mo," saad ni Hanna na halos manlingas na ang mata nito sa pagtingin sa kanya. Napaluha na lang si Hiyasmen at napapikit at pinagdadasal na sana makatakas at may magli

