Mabilis na nag angat ng tingin si Flair, sabay punas ng luha sa mata niya. Tiningnan niya kung sino ang nag-alok ng puting panyo sa kanya. Isang matangkad na lalaki na may kahabaan ang itim na buhok. Gwapo at maputi ito. Singkit ang mga mata at matangos ang ilong. "Ah, salamat, pero ayos lang ako." tanggi ni Flair. Hindi naman kasi niya iyon ka kilala. Napatakip siya ng bibig ng maalala niyang wala siya sa Pilipinas. "Ah, sorry I thought you ar—" "I understand, half Filipino and half Japanese ako," paglilinaw niya. Tumayo si Flair, bago mag salita. "Marami rin pala ako ritong kababayan," "Yeah, pero kararating ko lang sa State." sagot nito. Umupo ito sa kabilang upuan kung saan nakaupo si Flair. "May work ka rito?" she sked. "Hmm," napaisip ito at nahimas ang kanyang baba niya k

