Kalagitnaan ng gabi gaganapin ang operasyon ng kanyang ama para sa heart transplant. Isinuot ng kanyang ina ang rosaryo at taimtim na nagdasal dahil malapit ng operahan ang ama ni Flair. Habang si Flair ay nakatitig sa ama niyang mula kanina ay natutulog lang. Buti na lamang at may mabuting puso na nag bahagi ng puso ng kanyang ama. Humihingi ito ng limang milyon kapalit ng puso ng kanyang ama na oxygen na lang ang bumubuhay. Wala naman problema ang puso nito. Tinaningan na rin kasi ng doctor ang kanyang ama. Ang sabi nito bago ito mawalan ng malay. Wag ng patagalin ang life support dahil ayaw na nitong mahirapan. Bagkus i-donate na lang ang kanyang puso. Pero dahil nga kapus din sa pera ang mga anak niya. Naisipan nitong presyuhan ang puso ng kanilang ama. Hindi man mabibili ng kahit i

