"Nagtataka ka pa?" humikbing sabi ni Flair ng makaahon na sila sa tubig. Para itong batang umiiyak dahil dire-diretso ang hikbi nito. "What did I do?" Moss asked, medyo naguguluhan siya sa sinabi ni Flair. Inupo niya ito sa pinaka-malapit na upuan para kumalma at tumigil ito sa pag iyak. Habang siya naman ay nakatayo lang sa harap niya. "I saw you and Dexie kissing in front of my room," usal niya habang pinipigilang humikbi. Kumunot ang noo ni Moss at binalikan ang pangyayari. Inisip niyang mabuti kung anong na gawa niyang kasalanan para tumakbo si Flair kanina at ang tanging na isip lang niya na dahilan kung bakit ito umiiyak ngayon ay dahil kay Dexie. Napasapo si Moss sa kanyang noo sabay kibit balikat. Maski siya ay hindi inaasahan ang ginawa ni Dexie sa kanya kanina. Kaya nga i

