"Hurry!" mariin na sabi ni Dexie dahil kanina pa nila hinahanap si Moss. Kasama nito ngayon si Lee dahil tinanong niya ito sa mga nalalaman niya tungkol kay Moss at Flair kanina, pero wala siyang na pala rito dahil ang naikwento lang nito ay puro tungkol sa trabaho. "Uahh! Dalian mo naman ang kupad mo," reklamo ni Dexie habang umaakyat sila sa hagdan papunta sa second floor kung saan naroon ang kwarto ni Moss. "Do you think nandito siya?" she asked, kanina pa hindi sumasagot si Lee sa likod niya. Mabilis niya itong hinarap at na kita niya itong tila hingal na hingal na dahil na libot na yata nila ang buong villa at nagpabalik-balik pa sila ro'n. "What's your problem?" Dexie asked. She rolled her eyes sabay taas ng kanyang kanang kilay. "Wait, Miss Dexie, ang layo kasi ng ni lakad n

