SPECIAL EPISODE THE TIME THAT I REALIZED... “Sarah, ano ba ‘yang sinusulat mo dyan sa may lapag?! Bilisan mo na diyan at baka hindi na tayo maka pwesto sa may unahan mamaya.” Nag angat ako ng tingin at nakita ko ang best friend ko na si Adele na pumasok sa loob ng classroom namin. Kami na lang ang natira dito dahil umuwi na ang mga kaklase namin, uwian na kasi. Pero hindi pa kami umuwi ni Adele dahil pupunta kami sa concert na gaganapin sa college department nitong paaralan na pinag-aaralan ko. Intramurals kasi nila kaya ngayon ay maglalaban ang mga iba’t ibang banda sa mga departments nila at may susuportahan kaming isang banda—ang the band. Ang the band ay banda ng magpipinsan na Coleman, ang kambal na si Aiden at Caden, si Alessandro at ang lead guitarist at ang lalaking matagal ko

