EPILOGUE “Sarah, ako na diyan! Hindi ka pwedeng magbuhat ng mga mabibigat na gamit lalo na’t buntis ka.” Nabitawan ko ang hawak ko na bola na pagmamay-ari ni Marcus at nilingon ko si Matthias habang bakas ang pagtataka sa aking mukha. Mabigat ba ang bola? Hindi nga ako nabigatan. Mabilis na lumapit sa akin si Matthias at hinawakan niya ang magkabila kong kamay at tinignan ito na para bang chini-check kung may problema sa kamay ko, o may sugat ba ako. “Ano ba?!” inis kong sabi at inalis ko ang kanyang kamay na nakahawak sa aking kamay at tinignan siya ng masama. Bahagyang kumunot ang kanyang noo at nagkamot din siya sa kanyang buhok habang nakangusong nakatingin sa akin. “May problema ba, Sarah? May nagawa ba akong masama? Kung meron man, pwede mo bang sabihin sa akin para masolusyon

