EPISODE 66 SARAH’S POINT OF VIEW. “Matthias, ikaw pa rin ang mahal ko… mahal pa rin kita,” muli kong sabi sa kanya habang nakahawak ako sa kanyang pisngi. Hindi pa rin siya nagsasalita at nakaawang pa rin ang kanyang bibig ngayon habang nakatingin sa akin. Magsasalita pa sana ako nang makita ko ang pagtulo ng kanyang luha galing sa kanyang mga mata hanggang sa sunod-sunod na ito kaya natataranta na ako. “M-Matthias….” Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap niya ako, niyakap niya ako nang napakahigpit ngayon. Isiniksik niya ang kanyang mukha sa may balikat ko at naramdaman ko na rin ang luha niya doon pero hinayaan ko lang siya na ipalabas ang kanyang nararamdaman sa pamamagitan ng pag iyak. Hinagod ko ang kanyang likod at isinandal ko ang aking mukha sa may ulo niya at pumikit a

