EPISODE 65 SARAH’S POINT OF VIEW. Nagkausap na kaming dalawa ni Ryker at kahit masakit… tinanggap niya pa rin ang desisyon ko. Magkaibigan parin kaming dalawa at walang nagbago. Dadalaw pa rin siya sa amin kapag may free time siya at makikipaglaro siya kay Marcus dahil napamahal na rin siya sa anak ko. Hindi pa rin kami nagkikita ni Matthias at hindi ko rin alam kung paano ko siya kakausapin. Should I tell him the truth? Pero pinapangunahan pa rin ako ng aking takot. Siguro kapag handa na akong makita at makausap siya. Ngayon ay nandito ako sa Mall at pumipili ako ng mga pasalubong ko kay Marcus dahil maaga akong natapos sa aking trabaho. Matatapos na next week ang trabahong binigay sa akin ni Liz pero napagpasyahan ko na dito na muna kami ni Marcus sa Pilipinas at makikipag communica

