UMAALINGAWNGAW sa gitna ng madilim at masukal na kagubatan ang mga sigaw ni Aurea. Kung paanong nalinlang siya ng isang nilalang na inakala niyang mabuti. Hindi niya man nakikita ay nararamdaman niyang maraming mata ang nakamasid sa kanya. Humihingi siya ng tulong at paulit-ulit na tinatawag ang mga kapatid subalit tila bang walang nakaririnig na kakampi sa kanyang tinig na mistulang ordinaryo na lamang. Ang kanyang kapangyarihang kinatatakutan ng nakararami ay naglahong tila isang kaibigang bigla na lamang nang-iwan. Sa gitna ng kawalan, sarili niya na lamang ang kanyang maaasahan. Nagtago siya sa likod ng isang malaking puno. Nagkubli siya sa madilim na bahagi niyon. Ang tanging nagsisilbing liwanag sa kapaligiran ay ang tatlong buwan na nasa kabilugan ng mga ito, subalit ang dalawa’y m

