NAGING MALAMIG ang bukang-liwayway dulot ng magdamag na pagbuhos ng ulan. Larawan ng kakamping hindi man makapagsalita ay ipinararamdam ang kanyang pakikiramay. Sumasabay ito sa bawat patak ng luha mula sa magkabilang mundo. Hindi naglaon, mula sa pagkakatulog ay nagising si Aurea nang maramdaman ang malamig na humaplos sa kanyang pisngi, ngunit ang bumungad sa kanya ay ang mahinang liwanag mula sa unti-unti nang sumisikat na araw. Marahan siyang bumangon at naroon pa rin ang kanyang mabigat na pakiramdam. Tila ba ang magdamag na pagluha ay hindi pa rin sapat upang mabawasan iyon. Tulad ng kanyang nakasanayan, napalingon siya sa lamesita sa tabi ng kanyang higaan. Kagaya ng mga nagdaang araw, kung ano man ang kanyang hinahanap ay wala roon. Tatayo na sana siya nang mapansin ang isang pula

