“KAPWA ko pala kayo hindi lubusang nakikilala.” Napatigagal sina Hideon at Ceron sa kanilang kinatatayuan habang pinagmamasdan si Aurea na papalayo. Walang nabigkas na kahit ano ang mga ito upang magpaliwanag at pigilan ang hiyas sa pag-alis. Sa pag-ihip ng hangin sa buong paligid, pinangangambahan nilang mayroon pang ibang mga matang nakasaksi sa kanila sapagkat tila maliban sa kanila’y mayroon pang kakaibang enerhiyang madarama rito. “Kasalanan mo ito, Ceron. Kung hinayaan mo na lamang akong mag-isa rito at bantayan siya mula sa malayo, sana’y hindi siya lalong nasaktan,” bulyaw ni Hideon. “Paano mo siya mapangangalagaan ngayon kung nasira mo na ang tiwala niya?” “Batid kong darating at darating ang panahong ito. Walang lihim na hindi mabubunyag, Hideon. Balang araw ay malalaman niya

