wake - up
" Aaaaaah uuuggh, uurggh! Faster baby! Deeper please! Sige pa! Sagad mo pa baby. " Saad ng babaeng kaniig nya habang binabay* nya ito nang sunod- sunod.
" Mak! Gising na! Hindi ka ba papasok ngayon?! " Sigaw ng mama nya habang niyoyogyog sya sa balikat para gisingin.
" Haist panaginip nanaman pala! " Bulong nya sa sarili.
" Wait lang po ma, five minutes pa. Inaantok pa po kasi ako. " Angal nya sa ina at muli nyang pinikit ang mga mata.
" Bahala ka nga dyan sa buhay mo! 6:00 am na kaya. Oo nga pala tumawag sa akin ang ate mo. Mamayang gabi raw, baka pwedeng pumunta ka sa restaurant. May nag request kasi na kung pwede kang tumugtog, magpopropose ata. Tapos ang papa mo, pinapupunta ka sa opisina nya pagpasok mo raw mamaya. Nauna na syang umalis dahil may pupuntahan pa atang bidding at saka mukhang may bagong project kayo na nakuha nya rin. Ikaw ang request nong client na gumawa nang plano ng project nila. Siguro mas mabuti kung kayo na lang ang mag - usap na dalawa. Mamaya aalis na rin ako, dahil ang ate mo nagpapatulong sa restaurant nya para magluto. Bilisan mo na rin dyan Mak! Bumangon kana! Sabay na tayong kumain at sabay na rin ako sayo papunta sa restaurant ng ate mo. Tinatamad kasi akong magdrive. " Mahabang litanya ng mama nya na naglakad na palabas ng kwarto nya.
" Opo! Yon ang purpose nang paggising sa akin. Haist! " Natatawa at napapailing na saad nya sa ina na nakalabas na pala ng kwarto nya.
" Sino ka ba talaga baby? Bakit hindi ko makita ang mukha mo! Laman ka lagi ng we* dreams ko. Humanda ka sa akin kapag nahanap kita. " Saad nya sa sarili habang yakap ang unan. Habang iniisip ang babaeng laging nasa panaginip nya.
Tumayo na sya sa kama nya dahil hindi rin naman sya makakatulog ulit. Alas otso pa ang pasok nya at 10 - 20 minutes lang ang byahe papunta sa opisina nila kapag hindi rush hour. 6:30 am sya gumigising talaga, pero kapag ang mama nya ang gumigising sa kanya alas sais palang minsan pa nga ay alas singko ginigising na talaga sya nito lalo na kung may pupuntahan itong importante. Pumunta na sya sa banyo para maligo at mag ayos nang sarili. Mabilis syang natapos dahil sigurado na babalik ang mama nya para kulitin sya na bilisan na gumalaw. Pagbaba nya sa ground floor ay nakita nya ang mama nya na naghihintay na sa kanya sa dining area.
" Tara na Mak! Kain na tayo. " Ani ng ina nya na linagyan na sya ng pagkain sa plato nya.
" Ma, tama na po. Konti lang kakainin ko ngayon. Ang dami ko po kasing nainom kagabi. " Saad nya sa ina na biglang sumimangot. Niyaya kasi sya ng papa nya na uminom kagabi, sa kakaiwas nya sa topic nito. Hindi nya namalayan na ang dami na pala nyang nainom na alak.
" Tigil - tigilan mo na nga ang kakainom. Sinasabi ko sayo, pag ang katawan mo ang bumawi sayo, ewan ko na lang sayo. Wala kapa ngang pamilya, kung maka bisyo ka wagas. Binata kapa lang kaya ingatan mo ang sarili mo, gusto ko pang magka apo sayo. Kaya umayos ka Makaryo! Sinasabi ko sayo! Naku! " Gigil na saad ng ina na pinagpapalo pa sya sa balikat habang nagsasalita.
" Aray ko po ma! Dahan - dahan naman po sa panghahampas. Apo lang po pala ma ang gusto nyo? Mamaya, bigyan ko po kayo. Si Papa ang sisihin nyo, sya po ang nagyayang uminom kagabi. Kelan po ba dapat magbisyo kapag may asawa't anak na? " Natatawang saad nya rito.
" Gag*! " Mabilis na sita ng ina sa kanya.
Hindi na sila nagkibuan ng mama nya dahil sigurado sya na naiinis nanaman ito. Nang matapos na silang mag almusal ay agad na syang niyaya ng ina nya papunta sa restaurant nila dahil ang kapatid nya raw ay panay na ang tawag dito.
Sa daan, panay ang tawa nya dahil pikon na pikon sa kanya ang mama nya. Gusto na kasi talaga nito na mag asawa na sya. Dahil sya na lang ang walang asawa sa kanilang tatlong magkakapatid. Maging ang ama nya panay na rin ang tanong sa kanya kung kelan daw sya magpapatali. After kasi nong high school relationship nya ay hindi na sya nag girlfriend pa.
Actually, hindi naman yon matatawag na relationship dahil yong babae lang naman ang nag insist na boyfriend sya nito, ni hindi nga nya ito linigawan o kahit sinulyapan man lang. Pero dahil ayaw nya itong mapahiya sa skul, kaya inako na lang nya na nobyo sya nito. Ito kasi ang cheer leader ng school nila. Pero hindi rin nagtagal ang relasyon nila dahil pina turn off nya ito.
Pinalabas nyang girlfriend nya ang kababata nyang si Mary Grace. Naging best friend nya ito dahil simula daycare hanggang college ay same school sila. Same time ang daddy nito ay best friend naman ng papa nya. Nag - iisa itong anak kaya lahat nang gusto nito ay sinusunod ng mga magulang. May deal sila na kapag trenta anyos na sila at wala pa silang pamilya ay silang dalawa na lang ang magpapakasal.
Marami na itong naging nobyo at classmate at boy best friend nya pa ang nakauna rito sa kama. At hindi lang ang kaibigan nya ang pinagbigyan nito kundi kung sino ang magustuhan nito ay go ito basta type at sinusunod ang gusto nito. Sabi pa nito sa kanya, You only live once lang daw, kaya enjoy lang daw dapat ang buhay. Wag ipagdamot ang katawan sa iba lalo na kung yummy ito. Kaya nong mahuli ito ni Xavier na may nakapatong na iba, mabilis pa sa alas kwatro na hiniwalayan ito ng kaibigan nya.
" Mak, ano kaya kung ligawan mo na si Mary Grace? Total kilala nyo naman na ang isa't - isa, so madali na lang sa inyo ang maging isang couple. Ano sa tingin mo? " Ani ng mama nya na abot tenga ang ngitian habang nakatingin sa kanya. Tumagilid pa talaga ito nang pagkakaupo para makaharap sa kanya.
" May usapan na po kami non ma. Tsaka hindi sya ang type ko para sa isang babae. Gusto ko ma, yong kagaya mo ang mapapangasawa ko. " Ani nya rito sabay kindat sa ina na pinagpapalo nanaman sya sa braso.
" Tigilan mo nga ako dyan Mark Suarez! Wala kanang mahahanap na babaeng kagaya ko. So magiging matandang binata kana lang! Paano pa ako magkaka apo nyan sayo?! Wag mong sabihing bakla ka Makaryo! " Inis na saad nito na kinukurot pa sya sa tagiliran.
" Let's see na lang po ma, bahala na po ang maykapal sa tadhana ko. Ayaw mo po non tres Maria's kami nina ate Mariz at ate Jenny. Ma, nandito na po tayo sa resto ni ate Jen, hindi ko na po kayo ihahatid sa loob dahil nagtext na po si Papa na may paboard meeting daw po sa office at papunta na rin daw yong client namin. I love you po ma. " Nakangiting saad nya sa ina sabay halik sa noo nito.
" Tumigil ka Makaryo! Ako mismo puputol ng tit* mo kapag nagbakla ka! " Inis na saad nito sabay kurot sa may singit nya na ikinasigaw nya sabay tawa nang malakas.
" Ganda ko kayang bakla ma, kapag nag out na ako. Natatakot lang talaga ako magsabi sa inyo ni papa, baka kasi itakwil nyo po ako. Tapos hindi nyo ako pamanahan ni papa, di poorita ang bakla. " Natatawang saad nya sabay flip nang buhok na akala mo may mahaba syang buhok.
" Subukan mo lang talaga Makaryo! Malilintikan ka sa akin! " Inis na saad ng mama nya, sabay sabunot sa buhok nya habang panay ang tawa nya dahil sa itsura ng ina.
Bababa sana sya sa kotse para pagbuksan ng pinto ang ina nya, pero pinigilan sya nito dahil naiinis daw ito sa pinaggagawa nya. Mabuti pa raw ay umalis na sya sa harapan nito dahil may naghihintay pa sa kanya sa opisina ay naaalibadbaran na daw ito sa kanya. Kumaway na lang ang ina nya nang makababa na ito sa sasakyan.
Habang nasa byahe ay naisipan nyang makinig nang radyo, bawat kanta ay sinasabayan nya sa pagkanta. Kaya hindi nya namalayan na nakarating na pala sya sa harapan nang opisina nila. Saktong - sakto ang dating nya dahil papasok palang sa conference room ang lahat ng mga board members nang opisina nila at ilang Architects and Engineers na kasama nila sa meeting mamaya.
Yong bigating kliyente raw nila ay mamaya pa raw darating dahil naipit sa traffic. Kaya pumasok na muna sya sa design department para makinig sa mga chismisan ng mga katrabaho nya na nandon.