CHAPTER 22

983 Words
"oh, ano na? Tigil na?" Tanong sa'kin ni Gab tsaka umupo sa tabi ko at hinagod ang likod ko. Kasalukuyan kasi akong umiiyak dito sa kama. "Tahan na, okay lang 'yon..." Dagdag pa nya. "Hay, nako selene, dalawa na pala kayo nito ni Rev. Mabuti nalang nalang at narealize nya na na hindi nya deserve yung taong ganon." Kumento ni Ariella at umupo rin sa may corner ng kama namin ni Gab. Kumpleto kami ngayon at andito rin ang Boys sa room. After 4 hours ay nagsidatingan sila. 'di ko pa nga sana pagbubuksan ng pinto e. Tumakas lang din sina Franz dahil bawal ang lalake sa hotel building na 'to pero since wala gaanong tao, nakapasok sila. "Aalis na tayo dito bukas." Sabi ni Franz habang nakatingin sa'kin ng matiim. Kasalukuyan syang nakasandal sa pader sa may hallway at sina kyle naman, nakaupo sa upuan sa dining table na nasa loob rin ng hotel room. "Teka? Pero paano 'yong iba pang araw? Halos 2 days palang kaya tayo dito." Sagot ni Gab sakanya. Nagtaka rin ako. Pero 'di ko na gugustuhing mag-stay pa rito ng mas matagal pa. Hindi ko kaya. "Mas mahalaga si Selene. Besides that, kinausap ko na rin si Dad about this. Mamili kayo, mag sstay kayo dito o sasama narin kayo pauwi sa'min?" Tanong ni Franz sakanila. Napabuntong hininga si Gab. "Need kong mag-stay dito. Baka may mga activities na gagawin sayang yung points." "I'll stay." Sabay na sagot ni kyle at Dean. "Okay, i guess it's just me and Selene. Anyway, balitaan nyo nalang kami. And Selene, mag-impake kana para bukas. Maghanda kana rin dahil kahit kailan, never mo nang makikita si Keflin." Sabi ni Franz tsaka lumabas ng kwarto. Sumunod naman agad yung dalawa. Ngayon ay kaming mga girls nalang ang nandidito. Tumayo si Ariela and Reverie. "Tulungan kana namin Selene." Sabi ni Rev at inayos yung ibang gamit ko. Tumulong na rin akong mag-impake. 'di naman pwedeng uupo at iiyak nalang ako rito. "Kasalanan din ni Keflin 'to e." Bulong ni Gab. Umiling ako. "Kasalanan ko rin, Gab. Kung sana 'di na'ko nag higanti higanti pa edi sana walang ganito. Kung nag-focus nalang sana ako sa pag-aaral e." Napabuntong hininga sya "well, ika nga nila, past is past. Wala na tayong magagawa nangyare na e." Sabi nya at inayos ang kama namin. "I don't know what exactly happened but Selene, it's much better if you're going to look forward now. Hmm, focus on yourself more. Bitiwan mo na ang nakaraan at wag kanang umasa especially nasasaktan kana. And look, engage na sya and i think it's enough for you to understand now that it's enough." Sabi no Ariella at umupo sa kama nila. "True. It's the best thing to do." Sabi ni Rev. "Kumbaga, know your worth nalang din. Wag kang maghabol. Babae ka. Hindi dapat ganon. You deserve much better. A man who will not let you to chase him." Dagdag ni Ariella. "Oh, makinig ka d'yan sakanya. Expert yan." Sabi no Rev kaya natawa ako ng kunti. Bumuntong hininga ako tsaka pinunasan ang mga luha. "Well, 'di na 'ko magiging marupok, promise." Sabi ko at agad naman akong kinaltukan ni Gab. Medyo napa-aray tuloy ako. "Talaga lang, huh? Pero Sure, tignan natin ang changes nang isang Selene." Sabi ni Gab. Napangiti naman ako ron. "O, sya! Matulog na tayo. It's too late na and we need beauty rest." Sabi ni Ariella na sabay sabay naming tinanguan. Pinatay nya na rin ang mga ilaw. Kahit papano ay gumaan narin ang pakiramdam ko at at least, alam ko na ang gagawin. °°°°°°° Kinabukasan ay umalis na kami ni Franz. Nakakapagtaka lang dahil wala man lang ni isa ang pumigil saming dalawa. Nakita ko si Keflin na kausap ang Guard at nagkatinginan din kami pero halos manlumo ako ng iniwas nya rin ang paningin nya. Parang 'di na talaga interesado. Well, anong magagawa ko kung ayaw na sa'kin ng tao 'di ba? Anyway, andito kami sa bahay namin kasi gustong makausap ng papa ni Franz sina mama. Andito lang ako sa kwarto habang kausap ang kapatid ko. Kahit papano ay miss na miss ko na sya. Taba taba pa. Napatingin kaming dalawa ng biglang may kumatok sa pintuan. Binuksan naman 'yon ng kapatid ko at tumambad kaagad sa'min sina mama at papa na maluha-luha. Agad akong napatayo sa pagkakaupo sa kama at lumapit sakanila. "Anong meron?" Tanong ko at bahagya silang yinakap. Kumawala rin ako ng magsalita si mama. "Mag-iingat ka anak, okay? Pag kailangan mo ng makakausap tawagan mo lang kami ni papa mo, ha?" Sabi ni mama kaya natawa ako. "Ano kaba naman, ma. Para namang aalis ako ng bansa e doon lang naman kina Franz 'yon." Sabi ko. "Anak wag kang magagalit sa'min ha?" Sabi ni papa kaya nangunot ang noo ko. "Ha? Wag magalit saan?" Takang tanong ko. Kita kong nagkatinginan sina papa at bahagyang pinanlakihan ni mama ng mata si papa. "A-ahh... Basta wag kang magagalit sa'min kasi 'di ka nanamin natemplahan ng kape." Rason ni papa kaya napataas ako ng kilay. What? "Oo, tama! Yun nga!" Pangungumbinsi naman ni mama kaya napakamot ako sa ulo. "Ahhh... Ganon ba?" Tanong ko at napakamot ng ulo. "Ayos lang naman 'yon, pa. Matitikman ko rin ulit 'yon next time." Sagot ko. "Ate, tinatawag kana. Aalis na raw kayo..." Sabi ng kapatid ko. Tumango ako sakanya tsaka sya yinakap. "Mamimiss kita, sobra!" Sabi ko sa gita nang yakap. "I'll miss you too, ate. Ingat!" Sagot nya. Tumango ako at sabay sabay kaming pumunta sa baba. Andon na sina Franz at papa nya naghihintay. Nauna kami ni Franz pumasok ng van. Narinig ko pa ang papa nya nagsabi ng Thankyou kina mama bago pumasok sa van din. Kumaway ako kina mama sa bintana nung umandar na. Tomorrow is another Day, another life! and it's my time to move forward.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD