CHAPTER 21 - Keflin's proposal

1163 Words
Ngayong gabi ay napagdesisyonan namin na maglibot-libot. At dahil gabi na nga, may isang target kaming pupuntahan which is yung pool bar. Actually wala naman talaga akong balak sumama pero sayang naman kung 'di ko susulitin 'di ba? Anyway, since mahihigpit ang kasama naming mga lalake, balot na balot kami ni Gab. Naka purple turtle neck shirt ako at nag partner ng jeans. Si Gab namin ay crop top and Jeans pero 'di naman yun malaswa tignan. Medyo worried pa nga sya kanina kasi lumalaki raw yung tyan nya. Panong 'di lalaki e kain ng kain? Papasok pa lang kami sa Bar pero rinig na rinig namin ang ingay sa loob. "Ang ingay, oh. For sure masaya sa loob." Nakangising sabi ni Gab. "Akala mo naman talaga magkakalayo-layo. Hoy walang hihiwalay, ha?" Busangot ni kyle. Bahagya syang hinampas ni Gab. "Ano kaba kyle, para kang bata. Kailan ka ba magmamatured?" Sabi ni Gab at Napa-rolled eyes. "Basta, deal na yun!" Sigaw nya. "Bahala ka d'yan. Magso-solo ako." Sabi ni Dean pagpasok. "Bye, Dean!" Paalam ko sakanya bago sya humiwalay sa'min. Ngayon ay a-apat nalang kami. "H-hoy! Ang daya mo! Sabi walang hiwalayan e." Reklamo ni Kyle at tinuturo si Dean na humiwalay na. "Hayaan mo nga sya kyle, para kang bakla." Si Gab. Nakakita ako ng magandang spot sa gilid. Maganda ang view dun at tahimik dahil malayo sa crowd. "Guys, dun na 'ko ha?" Paalam ko sabay turo sakanila. Agad namang napangiwi si Gab. "Ba't dyan? Anlayo sa mga pagkain at boring." Sabi nya at umirap. "Sama nalang ako kay Selene. Ayuko makipag-halo bilo." Sabi ni kyle at hinawakan ang kamay ko. "Sus, duwag at bakla ka lang e." Pang-aasar ni Gab. "O sya, hahanap na 'ko ng table ko, bye!" Sabi nya at nagpaalam. Napatingin kami ni kyle kay Franz na busy sa kakadot-dot ng cellphone. Mukhang may nererelyan at importante. Seryoso kasi sya. "Ano Franz? Doon na kami sa gilid," paalam ni Kyle. Agad syang nag-angat ng tingin sakanya. "Kyle pwedeng pakihanap muna si Dean?" Tanong nya kaya nangunot ang noo namin. "Anong meron?" Tanong ko. "Huh? Okay..." Tugon ni kyle at umalis na. "Tara na, selene. Do'n muna tayo sa table." Sabi nya at hinila na'ko papunta don. Pero imbis na sa table na gusto ko, don pa kami sumiksik sa pinaka-gilid kung saan medyo madilim. "Ano bang meron? Tsaka ayuko dito." Reklamo ko sakanya. "Parating na sina Dean. Wag kang aalis dito hanggat 'di sinasabi, okay?" Sabi nya bago nagsidatingan yung dalawa. Bumulong lang ng kunti si Franz kay Dean bago umalis at tumango ito. "Anong meron, Dean?" Tanong ni Kyle kasi naguguluhan talaga kami. "Wala 'yon. Importanteng bagay lang." Simpleng sagot ni Dean at nag order ng maiinom. Puro juice lang naman 'yon kaya 'di talaga nakakalasing. "Selene, oh! Sina keflin!" Pasigaw na sabi ni Kyle kaya napatingin din ako sa tinuro nya sa entrance. Nakita ko syang papasok habang may hindi katandaang babae ang nakahawak sa braso nya. At sa tabi naman ng babae ay lalakeng hindi rin katandaan ang itsura. I mean, matanda na sila pero hindi halata. Kitang kita ang mga porselanang kutis ng babae dahil sa tumatamang ilaw sakanya. Grabe, ang ganda nya. Ibinalik ko ang tingin kay Keflin na ayos na ayos. Nakasuot pa ito ng tuxedo. Napaka-presentable at ang manly nyang tignan lalo't seryoso ang mukha nya. Nagulat ako ng papunta sila sa gawi namin at base sa observation ko, mukhang kukuhain nila ang table sa harapan namin. Habang papalapit sila ay mas lalong bumibilis ang t***k ng puso ko. Kinakabahan na baka makita ako dito. Pero dahil madilim sa part namin, mukhang hindi nya 'ko mamumukhaan. "Mga kaibigan ni Keflin, oh." Sabi ni Kyle habang nakatingin sa entrance. Teka lang... Ano bang meron at bihis na bihis sila? Pumwesto rin sila don sa inupuaan ni Keflin. Anim sakanila ang nakaharap sa'min at si keflin naman, nakatalikod. Biglang nagbago ang lightnings. Kung kanina ay medyo pang disco ito, ngayon ay naging light na ito at lumiwanag kahit sa place namin. Ngayon ay kitang kita ko na ang kabuunan ng Bar. May mga flower flower ito sa gilid. Kadalasan ng lagayan ay Gold. May mga kulay puti na tela na nakakabit sa taas na akala mo may ikakasal. Inutusan ng mga Guard ang ibang estudyante na gumilid kaya gumilid sila. Si Keflin ay umalis sa upuan at umakyat ng stage. Pag-akyat nya ay biglang namatay lahat ng lights at tumutok sakanya ang spotlight pati narin sa entrance. Doon pumasok ang isang napakakinis ma babae. Nakapiring ang mga mata nito at may umaalalay sakanya. I think it's her parents. Namukaan ko narin ang babae. It's keflin fiancee. Nakaka-wow. Ang ganda nya with her white dress. "Selene? Gusto mong lumabas muna tayo?" Tanong ni Dean. Napatingin din sa'kin si kyle. "Oonga, Selene. Tara labas tayo?" Tanong nya. Umiling ako at ibinalik ang tingin sa fiancee nyang naglalakad paakyat ng stage. "Wag na. Gusto kong manood." Sagot ko kahit medyo may clue na'ko sa mangyayari. "Pero kailangan na nating lumabas. Inuutos na ni franz---" sabi ni Dean pero hindi na natapos yung sasabihin nya nang mag-umpisang umingay ang crowd. Napatingin kaming lahat sa stage. Sa malaking screen nakalagay dun ang, 'WILL YOU MARRY ME?' At andon sa harapan si Keflin na nakaluhod at hawak hawak ang singsing. Medyo nagulat pa ang babae base sa reaksyon ng mukha nya at bahagyang naluha. "Yes." Sagot ko sa isip ko habang pinapanood ko sila. Ramdam ko yung sakit na parang kinukurot o tinusok ng kutsilyo yung puso ko. Alam kong matagal na kaming wala pero ba't ganon? Ang hirap tanggapin na hindi ako yung taong nasa harapan. Hindi ako yung nasa posisyon ng babaeng ako dapat. Wala manlang ngang maayos na paliwanag sa'kin si Keflin kaya hanggang ngayon ay wala parin akong alam kung pinaglauran ba 'ko o kung anong mali ba't kami naghiwalay. Kasi kung grades lang ang problema ko nun, kayang kaya kong bawiin. Ramdam kong may luhang namumuo na sa mata ko at nagbabadyang pumatak. Noo, wag muna, please? Makisama kayo. "Yes." Sabi ng babae sa microphone kaya agad na tumayo si keflin at isinuot sa kanya ang singsing. Mas lalong umingay ang crowd at nagyakapan sila. Sa tingin ko ay alam ko na ang sunod na mangayayare kaya bigla akong tumayo para hindi masaksihan ito. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagsulyap sa'kin ng ibang kaibigan ni Keflin pero 'di ko na sila tinignan at lumabas nalang tsaka pinakawalan iyong mga luhang kanina pa gustong tumulo. Takbo at lakad ang ginawa ko para mabilis makapunta sa hotel room namin. Narinig kong tinawag pa'ko ni kyle at sinubukang habulin pero pinigilan sya ni Dean. Medyo nagsisi akong pinanood ko yung nangyari kanina pero feeling ko kailangan ko rin e. Kailangan ko yun para matauhan na hindi na talaga ako. Grabe, gan'to pala yung feeling? Parang nabasag ulit yung puso ko. Ang sakit sakit. Nakakailan na sya ah... Ba't ba ang tanga tanga ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD