"Good morning, everyone!" Sigaw ni Ariella. Gosh, ang aga mambulabog ha!?
Tinatamad akong buksan ang mga mata ko at napaupo sa kama. Maliwanag narin pala at nung tumingin ako sa orasan, mag aalas-nwebe na. Antagal naming nagising dahil narin siguro sa pagod.
And guess what!? Ka-room namin ni Gab yung dalawang kaklase kong nag-away dahil sa iisang lalake before. Si girl number 1 and girl number 2!
Actually, they are so close na! Nakakatuwa lang kasi medyo nahahawa narin si Girl number 1 sa selfcare nitong isa, ha!
Anyway, their name is Ariela and Reverie. Ariela for girl number 2 and Reverie for the girl number 1.
Pinagmasdan ko si ariela na nasa kama nila at abalang abala sa make up nya. Anong oras ba 'to nagising? Naramdaman nya yata ang pagtingin ko sakanya kaya agad syang napabaling sa'kin.
"Yes, girl? Do you need something? Bumangon ka na nga at tanghali na! May laway kapa sa pisngi, oh." Sabi nya at nagpatuloy sa ginagawa. Nagkibit balikat na lamang ako at nag-inat inat. I feel like i need to take a bath already.
Anyway, itong room namin is good for 4 people talaga. Malaki ang kama at dalawa 'yon naka separate. Sa isang kama si Ariela and Reverie then kami naman ni Gab sa isa pa.
Pagpasok mo ng room ay hallway muna. May isang pintuan sa left side para sa Bathroom then sa right side naman ay yung mga lagayan ng towel or bags. Malaki ang bathroom kahit apat na tao ay kasya rin sa loob.
Then may dining table sa loob. Wala ng kitchen since may restaurant naman sa loob ng resort.
Then sempre, meron ding balcony kung saan matatanaw mo ang ganda ng beach. And sa resort na 'to, meron ding swimming pool sa right side ng hotel at may Pool Bar. Strict ang isang 'to dahil mga estudyante kami.
Naghanda na'ko maligo at bago ako pumasok sa bathroom ay nagsalita si ariela.
"Anyway, guys, don't be late kasi 11:00 am ang lunch. 'di na tayo nakahabol kanina sa umagahan since tulog mantika kayo."
"Okay." Sagot ko bago pumasok at naligo.
Pagkatapos ko ay naligo na rin si Gab at Reverie. Nag-ayos muna kami para maghanda ng bumaba.
Nag text din sa'kin si Franz na nagreserved na raw sya ng table para sa'ming lahat.
Nung bumaba kami ay sobrang dami ng estudyanteng pakalat-kalat. Well, kami kami lang naman na college students ang narito kasi iba ang pinuntahan nung ibang Grades.
Nang matanaw namin sina Franz ay gaad kaming naupo sa table na nereserved. Andon narin ang pagkain kaya deretso kain na lang. Mostly ng pagkain ay pang sosyal.
"Pagkatapos nito ay pwede na raw tayong mag-swimming or gawin lahat ng gusto sa loob ng resort lang. May mga activities din daw tayong pwedeng salihan pagkatapos." Sabi ni kyle.
"Oh, well, maganda ang view parang gusto ko lang mag-picture buong magdamag at napag-usapan narin namin ni Reverie 'to. What about you guys?" Tanong nya sa'min at pagkatapos sumubo ng tuna sandwich.
"Hmm, im actually not in the mood to swim. Siguro ay doon lang ako sa beach chair?" Sagot ko naman since wala talaga ako sa mood.
"I will eat." Sagot ni Gab.
"Palagi ka nalang kumakain." Kunot noong sabi ni Kyle.
"Oh, at least hindi tumataba 'di tulad mo mukhang dambuhala." Sagot sakanya ni Gab. Sana naman ay 'di sila mag-away.
"We will play. Sasali kami nina Kyle sa activities." Si dean naman. Magkakahiwalay hiwalay din pala kami since ang boys sa activities then kaming mga babae naman ay may kanya-kanyang trip.
Pagkatapos naming kumain ay naghiwa-hiwalay na kami. Ako ay dumiretso sa beach chair. May payong naman 'to kaya 'di gaanong nasisinagan ng araw.
Dalawang upuan ito at sa gitna ay ang table lagayan ng foods or drink. Nagdala rin ako ng sunglasses at suot-suot yun habang pinag-mamasdan ang mga tao.
Yung iba kasama mga jowa nila habang naglalakad sa buhanginan. Nakarinig ako ng ingay sa bandang kaliwa kaya agad akong napatingin don. Napatahimik rin ng makita kong mga barkada ni keflin 'yun.
Napansin ko rin si kelfin sa pinaka-dulo habang busy sa phone. Naglalakad sya habang sa gilid nya ay isang babaeng kutis labanos na nakasuot ng black bikini. Nakahawak ito sa braso ni keflin at teka lang, namumukaan ko sya ah! She's the same person in the cinema!
"Ehem..."
Napalingon ako sa gilid ko nang may tumikhim. Si Franz pala na ngayon ay naka-upo na sa tabi ko.
Nangunot ang noo ko sakanya. "Akala ko ba maglalaro kayo?" Tanong ko rito.
"That's not needed." Sabi nya at sumandal sa beach chair.
Maya-maya ay nabaling nanaman ang atensyon ko kina keflin dahil narinig ko ang pag-tili tili ng babaeng naka-hawak sa braso nya.
Ngayon ay magka-holding hands na sila at dumaan pa sa harapan ko mismo. Napa-rolled eyes nalang ako kahit medyo naiinggit ako, oo. Medyo may pain. Pero anong magagawa ko? 'di ako ang gusto.
"It's kierah. Keflin's fiancee." Sabi ni franz. Bakit tinanong ko ba? Wala akong pake sa babaeng yan. Pero fiancee?
Agad akong napatingin sakanya. "Fiancee talaga franz?"
"Yup. Matagal na sila."
Matagal na sila? Pero bakit may mga motibo paring pinaparamdam sa'kin si keflin? Meron nga ba or assumera lang ako?
Ayuko nalang silang tignan. At naisip ko lang, sobrang private pala namin ni keflin before.
Kahit sa park ay bibihira rin ang holding hands kasi baka may makakita. 'di man lang maipagmayabang yung relasyon namin sa ibang tao.
At sino ba naman pala ako 'no para ipagmalaki sa public? Walang wala ako sa ganda ni Kierah. Dapat talaga sa'kin ay tinatago lang.
So,
We can't be in Public.
Pero sakanya, yung bago nya, pwedeng pwede. Nasa tamang edad tapos fiancee pa raw.
Ako nalang pala itong 'di nakaka move-on. Sa pangalawang pagkakataon ay parang ako nanaman ang natalo. Hayy, kailan ba 'ko titigil kakaasa na baka may feelings pa sya? At ito naman si Keflin, kailan sya hihinto sa pagpapa-asa?
"See? Tahimik kalang? Kaya ayuko sa taong yan e. Kala mo kung sino. Wag mo na silang pansinin or tignan. Ayuko nang nasasaktan ka." Pangco-comfort ni franz.
"Franz, ano ba talaga tayo?" Tanong ko sakanya. Nakita kong parang na shock sya ng kaunti sa tanong ko. Napalunok muna sya bago magsalita.
"Why?"
"Ahm, curious. Kasi Dalawang beses ko nang narinig 'yong about sa relasyon natin. E bakit? Ano ba talaga tayo? May gusto ka ba sa'kin?" Sunod sunod kong tanong.
"O-ofcourse not." Pagtanggi nya. Ramdam ko ang kaba sa sagot nya. "You know what, mag-stay ka nalang sa kung anong alam mong relasyon natin." Sabi nya.
Napabuntong hininga ako. "All right."
°°°°°°
Hi! Pwede bang mag recommend kayo ng name for Ariela, Reverie and kierah? Pang temporary lang kasi 'to since wala akong maisip na name. Thanks!