"Psst! Selene!" Tawag sa'kin ni Dean. Nakasimangot akong tumingin sakanya.
"Ano nanaman ba't tawag ka ng tawag?" Iritado kong tanong dito kaya agad syang napasimangot.
"Sorry naman kung naiistorbo ko yang imagination mo. Marahil ay 'di kapa nakaka-move on kanina." Mapaklang sagot nya na parang malungkot base sa tono ng boses nya.
"Oh, e ano naman?" Pinagtaasan ko sya ng kilay. "At pano naman ako makaka- move on kung palagi nyong ipapaalala sa'kin yan? Nakakarindi na kayong tatlo ni Gab at kyle." Reklamo ko.
Pa'no naman kasi nakakarindi na talaga. Simula nung mangyare yun, feeling ko 'di na nagkaroon ng katahimikan 'tong buhay ko. Kaliwa't kanan ang tsismis kesyo malandi raw ako. 'di ba nila alam yung salitang 'accident'?
At tsaka napaka-tagal naman nina franz. Nakakairita na ang pag-aantay. Pumunta kasi sila kay Keflin para magpaalam na ihihiwalay kami ng van. Sa isang beach resort kasi kami magi-stay since 1 week 'tong field trip.
Sa pagkaka-alam ko rin ay ang may-ari ng pagi-stayin ng mga studyante ay kaibigan rin ni Keflin.
'di na nakakapagtaka yun dahil mayaman at teacher din. Kindergarten kung 'di ako nagkakamali.
Maya-maya ay natanaw namin si Franz kasama sina kyle, Gab at KEFLIN! Bakit kasama sya!?
"Papunta na yata sila dito." Kumento ni Dean sa tabi ko. Nakaupo lang kasi kami sa isang gilid.
Si Gab at kyle ay nasa likod ng dalawa. Nagbibigay sila ng sign na ekis at bahagya pang nakasimangot. Malamang ay 'di pumayag.
Si franz naman at Keflin ay seryoso lang habang naglalakad papunta sa'min.
"Sumakay kana sa Bus, selene." Sabi nya with deep voice. Bigla namang napatingin si Franz sakanya.
"No. 'di ba sinabi ko na sa'yo na mag-iiba nga kami?" Pagtanggi ni franz kaya humarap si Keflin sakanya.
"Hindi ikaw ang masusunod dito, naiintindihan mo? Pag nasa school, rules ko ang masusunod.
Ako ang teacher hindi ikaw kaya mas alam ko kung anong makakabuti sakanya." Matigas na sabi ni Keflin.
Napa-ngiti si franz. Iyong sarcastic. "Oh, talaga? Alam mo ang makakabuti sakanya? Makakabuti ba ang pakikipag-relasyon sakanya sa murang edad? Mabuti ba 'yong p*******t at pang-iiwan mo sakanya at pagkatapos mo syang paasahin bigla ka nalang maglalaho bigla?"
"Wag kang magsasalita lalo na't wala kang alam, naiintindihan mo?" Matigas na sabi sakanya ni keflin kaya bahagyang napatawa si franz sakanya.
Gusto ko rin sanang matawa dahil kahit ako, walang alam. Biglaan ang pakikipag-break ni Keflin at kahit isang paliwanag, wala man lang akong natanggap.
"Oh, talaga? Alam mo ang relasyon na meron kami ni selene kaya pakeke-alaman ko kung anong gusto ko, naiintindihan mo?" Tanong nya kay keflin at humarap sa'kin.
"Tara na, selene. Sa van tayo." Sabi nya sabay hila kaya agad akong napa-tayo. Pero bago pa man akong mahilang tuluyan ni Franz, ay agad na hinawakan ni keflin ang isa ko pang kamay.
Napatingin ako kay keflin. "Pag sinabi kong akin si, Selene, akin sya. At sa'kin sya sasama." Sabi nya kay Franz.
"Kay Franz nalang ako. Ayukong sumakay sa Bus dahil malamang pinagtsi-chismisan ako ng mga haliparot don." Pagtanggi ko.
"May sarili akong van kung yan ang iniisip mo." Pag-alok nya.
"Bobo kaba? Kung sasabay sya sa'yo edi mas lalo syang nachismis. Hoy, ikaw ha, mag-isip ka rin." Sagot ni franz at agad na 'kong hinila pasakay sa van. Sumunod narin sina kyle sa'min.
Bumyahe kaming medyo stress ako. Anong relasyon ba kasi namin ni Franz yung tinutukoy? Narinig ko na 'to kay Miller sa faculty room e.