"Sa activity po na ito, ay kinakailangan nyo ng kapareha." Paliwanag nung lalakeng staff sa harapan.
Mukhang sasayaw kami ng Cariñosa base sa mga suot ng staff dito. "Sino po ang marunong at maaaring sumayaw ng cariñosa dito sa harapan?" Tanong nya.
Agad naman akong nagtaas ng kamay dahil talaga namang marunong ako dati sinayaw namin to nung Grade 10 sa history din subject ni Keflin.
Tinawag ako ng staff at pinapunta sa harapan. Dahil ako lang ang mag-isang kabisado pa 'yon, mukhang ako lang din ang sasayaw at ang staff na lalake.
Nag formation na kami sa dalawang gilid. Nag start na ang music at magsisimula na sana kami ng biglang huminto ito ang tugtog. Natanaw ko si keflin na papalapit saamin.
"Again!" Napatingin kaming pareho sakanya na bahagyang nakakunot ang noo. "Again!" Taka ko syang tinignan. Anong again?
"What do you mean, sir?" Tanong nung staff. "Umalis ka dyan. I'll be the one who will dance with her since she's my student." Sagot nya. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko.
What!? Dance with him? Kaya nga 'ko nagtaas ng kamay kasi wala sya e. Ramdam kong nagsisimula ng tumibok ng mabilis ang puso ko... Nag uumpisa na'kong kabahan lalo na ng bigla syang tumigin sa'kin... Feeling ko matutumba ako sa sobrang kaba at wala na talaga akong lakas para tumayo.
Pumwesto na sya kaya pumwesto narin ako. Sobrang kaba ko ni hindi nga ako makatingin sa mga mata nya. Inilagay ko ang mga kamay ko sa magkabilang gilid para sa unang step at tumugtog na ang musika.
Papalapit na kami sa isa't isa at nakatitig parin sya. Ang gwapo nya...
*Bow
Nung malapit na sa kalagitnaan ay naging sobrang magkalapit kami dahil kailangan naming ipagdikit ang sapatos habang sumasayaw.
Seryoso sa sayaw si keflin pero nakatitig saakin. Hindi ko tuloy alam anong gagawin. Naiilang ako at sobrang bilis ng t***k ng puso ko.
Focus, Selene! Focus!
Para akong tinoturture dito. Binuksan ko na ang pamaypay at umupo. Salit salit kami ng tingin sa dalawa. Sinigurado kong nakangiti parin ako kahit kabang kaba na. Nagpapawis narin ako.
Ngayon ay sya naman ang umupo at bahagya kong tinatapik sa magkabilang balikat nya.
Ang mga kaklase ko ay seryoso kaming pinapanood at sana, di nila mapansin ang pagiging kabado ko.
Nasa panyo na step na kami kaya malapit na matapos ang sayaw. Sana lang ay mas bumilis pa ang oras at matapos na 'to.
Nang matapos na ang sayaw, nanatili pa kami ng mga ilang minuto sa harapan dahil nagpapaliwanag si keflin. Pinagpapartner nya ang mga estudyante para masayaw rin ang cariñosa.
May mga nagpupunta sa gilid para sa formation at pwesto ng biglang tumakbo ang kaklase ko at aksidenteng natapilok sa wire dahilan ng pagtumba ng malaking speaker na nasa taas sa pwesto ko.
Tatama na sana ito sa'kin ng bigla akong hinila ni keflin papalapit sakanya dahilan ng pagkatumba namin sa sahig.
Aaahhh!! Nasa taas nya ko! Hindi ko man lang sya masulyapan kasi hiyang hiya ako sa posisyon namin!
"Okay ka lang?" Bigla syang nagsalita. Hindi ako makapag-salita dahil sa bilis ng t***k ng puso ko. Sa tingin ko nga ay ramdam na ramdam nya 'to. "Ba't parang ayaw mo yatang umalis sa taas ko? Ayos ba d'yan?" Tanong nya at bahagyang tumawa.
Agad agad akong tumayo at tumingin ng masama sakanya. Tumayo din sya at pinagpagan ang sarili. Bahagya syang tumitig sa'kin. Tinaasan ko sya ng kilay ngunit napapikit ako ng bahagya nyang hinaplos ang buhok ko at inalis ang mga dahon.