CHAPTER 17 - FIELD TRIP

919 Words
"ito! Dapat may mugo mugo tayo. Kuhain natin lahat ng flavors!" Malakas na sabi ni dean at naglagay ng maraming mugo-mugo. Iba't ibang flavor naman iyon. "Andami naman masyado nyan! 'di natin mauubos tsaka 'di naman tayo isang buwan na magbabakasyon. Field trip ang gagawin, dean!" Reklamo ko rito at binalik ang ibang mugo-mugo. "Libre mo ba, dean?" Tanong ni Gab sa likod. "Oo, sure." "Yun naman pala, selene e. Libre naman pala kaya hayaan mo na sya." Sabi ni Gab at ibinalik ang mga mugo-mugo sa cart. "Masarap ang pagkain lalo na pag libre." Sabi nya sabay kindat. Napabuntong hininga nalang ako. Ganto talaga si Gabriella e. "Ano nanaman ba yan, Kyle?" Tanong ni Gab ng makalapit si kyle. May dala-dala itong mga salbabida kaya nangunot ang noo ko.Mag swiswimming ba kami? "May dagat malapit sa pupuntahin natin kaya naisipan kong bumili narin tayo nito tapos tumakas tayo para mag swimming! One week naman ang field trip 'diba?" Sabi nya at kumindat kindat. Lumapit si Dean sakanya at inakbayan. "Alam mo, ang ganda ng idea mo. Kaso pano natin yan dadalhin kung hindi yan kakasya sa bus? Madami tayo." Napatingin kaming tatlo sa isa't isa at tila iisa lang ang naisip na solusyon. Dahan dahan kaming napatingin kay Franz na busy sa pagce-cellphone. "What now? Are we done? I'll pay all of these." Saad nya nung nag-angat ng tingin. Agad kaming napangisi. Agad na lumipat si Dean at umakbay kay franz. "Yow, franz, you know, you're rich." "So?" "Would you mind spending some of your money for our outing?" "Ofcourse not. When?" "Ayoss!! Tomorrow for our field trip we need another van so that, we can take these things." Sagot ni Dean. Agad namang nagets ni Franz yun at binayaran na namin ang mga groceries items. After nun, umakyat kami para sa mga susuotin sa swimming. Agad agad na kumuha ng boxer si kyle at ipinakita yun samin. "Oh, ano sa tingin nyo? Pwede naba pang-swimming?" "Yuck! Ang laswa!" °°°°°° Dumating na ang araw ng field trip. Tulad ng plano, may isang van na dinala si franz na nakasunod samin para sa gagawing outing na gagawin namin. Balita ko hindi lang naman kami ang may alam ng dagat malapit dun kaya may kanya kanya ring gamit yung mga kasamahan namin. 4 hours ang naging byahe namin at pagdating namin don, isang museum agad ang nakita namin. Ang museum na 'yon ay tungkol sa history saktong sakto lang para sa subject ni keflin. Bukod sa history ay tungkol din iyon sa iba't ibang kultura na meron tayo sa pilipinas kaya naman may iba't ibang kagamitan at pagkain ang paniguradong nakahain doon. Maya maya pa'y lumabas na rin kaming lahat sa bus na sinasakyan. Naunsa si keflin lumabas bago kami. May kinausap syang staff or siguro isa itong tour guide na mag-aasikaso samin. Saglit lamang silang nag-usap at pinapasok na rin kami. Habang naglalakad ay idinidiscuss ni keflin yung mga bagay na nadadaanan namin. "Ito ang kasuotan ng mga taga ifugao" turo nya sa kasuotan na pinaghalong kulay red at black. Meron itong mga Sa ulo nito ay may parang sumbrero. "Ang mga lalake ay nagsusuot ng tinatawag na 'bahag'. Ito ay karaniwang sinusuot ng mga lalake sa iba't ibang pangkat etniko ng pilipinas." Pagpaliwanag nya. "Ang bahag ay isang pahabang tela na ibinabalot sa baywang at sa pagitan ng mga hita bilang panakip sa ari. Ang isang dulo ng tela ay nakalaylay sa harap at ang isa naman ay sa likod na tumatakip naman sa puwit." Dagdag pa nya. Mukhang seryosong seryoso si keflin at halos lahat na ng kaklase ko ay humihiwalay na rin samin para mag kanya kanyang kuha ng litrato. Halata namang medyo nainis sya kasi ayaw nyang humihiwalay kami at 'di nakikinig habang nag didiscuss sya. "Selene, pakitawag sila!" Utos nya sa'kin. Agad namang napakunot ang noo ko dahil dun. "Ba't ako?" Mahinang bulong ko pero parang narinig nya kaya napatingin ito sakin. "May sinasabi ka?" Tanong nya habang nakataas ang isang kilay. Napa-rolled eyes na lamang ako at sinunod yung utos nya. "Sir, pwedeng mamaya nalang po 'to? Nagugutom na po kami. We haven't eaten since earlier." "Sir, can we go down? I heard that someone's playing instrument po kasi..." "Sir, we'll go to the bathroom first." "Sir, lunch time na po sakabila!" Kanya kanyang paalam ng mga kaklase ko. Napabuntong hininga na lamang si keflin. Kahit ako ay nagugutom narin pero yung pagkain ay dala dala nina Gabriella. Hindi pa naman kami magkakaklase. "Alright, after one discussion i'll let you eat." Sagot nya kaya bumalik ulit kami sa ifugao culture. Isang discussion nalang naman ang natitira kaya ayos lang din. "ang kababaihan ay humahabi sa tela at ang disenyo ng habi ay natatangi sa kanilang pangkat. Karaniwang pula ang pangunahing kulay ng bahag at puti at itim naman ang mga disenyo nito." Last discussion nya. "Mamaya ay magkakaroon tayo ng kaunting pagsusulit para malaman kung naintindihan nyo ba talaga ang diniscuss ko. Maliwanag ba?" Tanong nya sa'min na 'di namin sinang ayunan. "Akala ko ba field trip 'to? Bakit may Quiz?" Tanong ko rito. Tumingin lamang sya sa'kin saglit at saka sumagot. "Dahil ito ang magsisilbing grades nyo. Kung nakinig kayo, wala kayong dapat ikabahala at mamaya, pupunta tayo sa mga instrument to perform their dance and songs." Napabuntong hininga na lamang kami dun at nagpunta na sa canteen para kumain. 'di ko nga pala kasama si Dean dahil sa ibang bus sya nakasakay. Magkasama sila ni Franz.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD