Isang buwan na ang maka-lipas simula nang nangyare ang proposal. Sobrang naging busy kaming pareho dahil maraming dapat na ayusin. Hindi rin naman kami ganoong nahirapan dahil narin sa pagtulong parents and friends naming pareho. Sa huli ay 'yung photoshoot nalang ang ginawa namin. Sa school namin ginawa 'yon kung saan nagsimula ang love story naming dalawa. Tatlong place kasi ang ginawa namin. Sa school, plaza at sa Dagat. 'yung isa sa pinaka-paborito kong picture ay 'yung nasa cliff kami. Nagsasayaw kami habang naka-paa at papalubog ang araw. Tapos 'yung sa school naman, ang paborito ko ay 'yung umuulan, of course. Talgang nag-effort kami para lang sa fake na ulan habang nasa waiting shed ako at si Keflin naman nasa kotse nya nagda-drive. Sinama namin ang plaza sa place ng photo

