Nang mamatay ang linya, agad akong naglakad sa pasilyo. Halos lakad takbo na nga ang ginagawa ko kaya medyo maingay. May kalakihan ang bahay kaya matagal makapunta ro'n. Masyadong malayo ang kwarto ko sa kwarto na 'yon kasi Guest room 'yon kung tawagin namin. Pagliko ko, ando'n na ang room 9. Malapit 'yon sa may terrace. At sa pangatlong living room dito sa mansyon. May naririnig pa nga 'kong ingay na nang-gagaling do'n at sa tingin ko, sina Gab 'yon naglalaro ng chess. Naririnig ko rin ang boses ni Dean kaya malamang, kumpleto sila. Imbis na pumasok sa room ay pumunta muna ako sa living room. "Oh, Selene? 'Kala ko tulog kana?" Biglaang tanong ni Dean habang hawak hawak ang chess pieces. Magkalaban sila ni Gab at si Franz naman at Jairen. Nakaupo lang si Kyle sa tabi nila na n

