"what's happening!? Ba't umiiyak si Selene?" Rinig kong tanong ni Franz. Nahuli sila ni Dean at Kyle sa pagpasok. Agad na humiwalay si mama sa pagkakayakap kaya pinunasan ko narin 'yung luha ko. "E kasi, wala na..." Sagot ni mama. Kita kong nangunot ang noo ni Franz. "Anong wala na?" Tanong nya. "Wala ng lumpia. E 'di ba 'yon 'yung gusto ni Selene? E kaso naubusan sya kaya wala na." Sagot ni mama na ikinatanga ko. What!? Lumpia wala na? 'yon ba ang iniyakan ko? Narinig kong natawa si Dean. "Seriously? Dahil lang sa lumpia ay nag-drama na kayo? Umamin ka nga, naglilihi ka ba Selene?" Tanong ni Dean na nakapagpa-bigla sa'kin. Agad akong umiling. "Of course, not!" Sagot ko agad. 'di ko din naman alam na lumpia pala 'tong iniyakan ko. Kala ko naman kung ano. "Good. Masasapak ko s

