Napamulat ako dahil sa walang tigil na pagyugyog sa'kin. "Hoy, Selene! Tanghali na señorita!" Agad akong napaupo sa kama pagkarinig na pagkarinig ko nang boses na 'yon. Bahagyang nanlaki ang mata ko nang marealize kung sino 'yon. "Gab!!" Sigaw ko saka sya niyakap. Yumakap din naman sya pabalik. "I miss you! Epal ka, 'di mo naman ako pinag-bibigyan." Busangot ko dito. Bahagya syang natawa nang naghiwalay kami. "Sira! Busy kasi ako," aniya. "Maganda rin naman pala ang room dito kahit na pang-dalawahan lang." Rinig kong sabi sa kabilang banda ko kaya napa-lingon ako ro'n. Si Kyle! Papasok palang sya at nagulat din sya nang makitang gising na 'ko. Agad syang pumunta sa gawi ko. "Oh, Selene! Long time no see!" Ani ni Kyle saka tumakbo at yumakap din sa'kin. "Teka, ba't pala kayo a

