CHAPTERS 15

1003 Words
Tatlong araw na ang nakaraan at grabe si Dean, masyadong feeling close! Pero ayos lang. Masarap din naman syang kasama at nagustuhan din nina Kyle ang presensya nya lalo naman si Gab, no! "Sasama kaba sa field trip?" Tanong sa'kin ni Dean. Kasalukuyan kasi kaming naglalakad palabas ng school. Inaantay kami nina Gab sa labas. Lumingon ako sakanya saglit bago tumingin sa daan. "Ewan? Hindi? Ano ba mapapala ko do'n?" Nagtatakang tanong ko. "Hmm, Hindi ko alam. Pero alam mo, sabi ni sir tungkol daw yun sa history kaya makakatulong sa'yo yun!" Sagot nya. "Hmm, baka sumama nalang ako. Ay oonga pala, tapos ka ba sa notes kanina?" Bigla ay tanong ko. Bukod sa 'di ko nagets, 'di ko rin kasi natapos. "Oo naman! Oh, teka, wag mong sabihing 'di ka tapos?" "Alangan. " "Ay nako, Selene, ayusin mo yan lalo't college kana. 'di na biro 'to." "Ewan ko sayo, First year pa lang naman 'to! Mahaba haba pa!" "Kahit na 'no! Dapat seneseryoso mo na yan at sinasanay ang sarili sa ganyan." Aba, Parang nanenermon 'to ah. Franz ver.2? "Sa History nga lang ho ako mahina." "Oh, edi dapat dun ka mag-focus. Hayaan mo, itututor kita. Kailan kaba free?" Tanong nya. Nangunot ang noo ko. I know this type. "Sumisimple kalang e. Nako, tigilan mo 'ko, alam ko na yan." "Tutulungan lang kita. Wag kang assuming!" Sagot nya. Aba! Ako pa talaga 'tong naging assumera ah! "Aray!" Sigaw nya ng binatukan ko sya sa ulo. 'di pako nakuntento at binatukan pa ulit sya. "Selene tama na! Aray, masakit!" "Ehem" Pareho kaming natigilan sa harutan ng may marinig kaming tumikhim sa harapan namin. Pagkaharap namin ay tumambad samin ang naka-kunot noong si Sir Keflin. Bagama't medyo kinakabahan, tinaasan ko parin sya ng kilay. Aba't 'di rin nagpatinag dahil nag crossed arm ito! "Alam nyo ba kung nasaang lugar kayo?" Masinsinang tanong nya. Okay lang u? Alangan, duh? "We're in school," sagot ni Dean. Humarap ako sakanya kaunti at tumingkayad dahil mas matangkad ito sa'kin. Lumapit ako at bumulong. "Wala tayo sa school. Nasa zoo tayo. Tignan mo yung paligid oh, puro hayop tas yung nasa harapan natin malaking unggoy," bulong ko sakanya at tumango tango pa na parang kinukunsinti sya. Bahagya pa 'kong tumuro turo sa paligid. Natawa lamang si Dean sa'kin. "What is it, miss selene?" Tanong sa'kin ni Keflin. Agad akong napaharap dito. Nakalimutan kong 'di parin pala sya umaalis. Nakataas naman ang kilay nya ngayon at mabuti nalang ay hindi malapad ang noo nya dahil kung hindi, magiging kamukha nya si Squidward ng SpongeBob. Pilit akong ngumiti dito dahil ayukong sumagot. "Kung ayaw nyong patalsikin sa school na 'to, sumunod kayo, understood?" Tanong nya sa'min. "Yes, sir." Sagot ni Dean. Habang ako, ito at tahimik pa rin. Sinulyapan ako ni Keflin at tila nag-aantay ng isasagot ko. Bumuntong hininga ako. "Okay." "Good." Sabi nya at umalis na sa harapan namin. Nakatalikod na sya sa'min ngayon. "OA mo! Alam mo bang hindi lang kami ang humaharo-" sigaw ko pero tinakpan agad ni Dean ang bibig ko. Kaya 'yon, 'di ko natapos. Umiiling-iling si Dean habang nakatingin sa'kin. "Grabe, ganyan ka katapang?" 'di makapaniwalang tanong nya. Taka akong tumingin sakanya. "Ano namang ikinatapang do'n?" Bumuntong hininga nanaman sya at bahagyang itinaas ang kamay. 'di gaanong mataas. "Una, Bumulong ka lang naman habang nasa harapan natin si Sir." Sabi nya at itinaas ang isa nyang daliri. Nagsimula narin kaming maglakad. "Pangalawa, nakikipaglaban ka sa salita at kahit narin sa physical." Humarap sya sa'kin saglit. "Pano mo nagagawa yun? 'di kaba natatakot?" "Hmm, natatakot? Siguro ang magmahal ulit sya ay yun ang kinakatakot ko." Sagot ko. Napahinto si Dean sa paglalakad kaya nagtaka ako. Nanlaki ang mga mata ko at bigla ko na lamang natakpan ang bibig ko dahil sa nasagot ko. Ay shet! Nadulas! "T-teka? Did i heard it right? Minahal mo sya?" Tanong nya sa'kin. Medyo seryoso ang tono non pero medyo may pagkabigla rin. Agad akong umiling. "Ay, nako hindi. Ang ibig kong sabihin ay ang magmahal ulit ay yun ang kinakatakot ko." "Hmm..." sagot nya lamang at nagpatuloy nanaman sa paglalakad. Agad akong humabol dito. "Uy totoo nga! Yun ang ibig kong sabihin!" Huminto nanaman sya kaya Napahinto rin ako. Dahan dahan syang humarap sa'kin. "Alam mo, selene, 'di naman ako mapanghusgang tao at alam kung tama ang narinig ko. Simula pa man ay alam ko nang may something sainyo." "'di ko lang alam kung ako lang ang nakapansin sa'ting magkakaklase pero napansin ko yun dahil madalas nasa iyo ang atensyon ko. " Hinawakan nya 'ko sa balikat at ngumiti sa'kin. "Safe ka sa'kin at mapagkakatiwalaan mo 'ko. So, pano? Antayin ko chikabells mo, ah?" Bigla sa pagiging seryoso, ay ganon nalamang ang naging tono ng boses nito. Napatawa tuloy kaming pareho. Kahit papano ay magaan talaga ang loob ko kay Dean. Bukod kasi sa nasasabayan nya 'ko sa trip, nanlilibre din sya. Biro lang, basta masarap syang kasama. Nagsimula na kaming maglakad palabas at habang naglalakad, inakbayan ako ni Dean. Napatingala ako rito. "Ikaw, ha! Pasimple ka pa! " Ngumiti lamang ito hanggang sa nakarating kami sa labas. "Who the hell told you na pwede mo syang akbayan?" Protective na tanong ni Franz. Kunot noo pa ito at malalim kung tumingin sa'ming dalawa. Napabuntong hininga ako at napa-crossed arm. Tinanggal narin ni Dean ang pagkaka-akbay nya. "Malaki na 'ko." Sagot ko rito. Totoo namang malaki na 'ko kaya 'di ko na kailangan ang pagiging overprotective nya! "Tigilan mo na nga yan, franz, kung palagi kang ganyan ay iisipin kong may gusto ka kay Selene eh!" Sabi naman ni Kyle na nakadungaw sa bintana ng kotse. "Osya, tama na 'yan! Umalis na tayo para makakain na!" Iritadong sabi ni Gab. Halatang gutom at nagwawala na ang halimaw sa loob ng tyan nya. "Hoy, Franz, libre mo, please?" Sabi nito at nagpuppy eyes pa. Napabuntong hininga na lamang si franz. "Always." "Hooray!" Sabay sabay naming sigaw maliban kay dean. Sumakay na kaming kotse at pumunta sa isang mall para don kumain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD