CHAPTER 14

1234 Words
"Ba't naman ganon franz!?" Pasigaw kung tanong dito. Andito kami ngayon sa upuan na may lamesa. Presko ang hangin dito masarap tambayan habang may inaantay ka. Anyway, nakakainis kasi ililipat ng section si franz at alam kong kagagawan ni Keflin 'to! Nagkibit-balikat sya. "Hindi ko rin alam." Mahina at walang emosyon nyang sabi. Sumandal sya sa upuan habang magka-krus ang kamay at mukhang malalim ang iniisip. Napabuntong hininga na lamang ako at napasandal din. Yari talaga si keflin sa'kin. Wala akong tutorial class sakanya ngayon pero gusto kong puntahan sya at sunggaban ng suntok! Masyado syang nakakakulo ng dugo! Balita ko pa ay may papalit sakanya at lalake rin yon at bukas sya papasok bilang kaklase namin. Maya maya pa ay sabay na dumating si Gab at kyle. May dala-dala silang milktea at burger para sa'min. Kinwento narin namin yung balitang malilipat ng section si Franz. Nagtanong din sila kung bakit pero tulad kanina, 'di namin alam. Saglit kaming nagkwentuhan bago nakaisip na umuwi. ** Andito na lahat ng kaklase ko pati si Sir. Magsisimula na sana syang magturo ng biglang may kumatok sa pintuan. Lahat kami ay napatingin sa direksyong yun. Sumagot si sir ng "Come in," at bumukas ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang kapalit ni Franz! Sya yung Gwapong lakakeng hinalikan ko dun sa Cinema! Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko at bumibilis din ang t***k ng puso ko dahil sa kaba na baka makita nya 'ko! Nakakaramdam din ako ng inis kasi baka kaya ginawa 'to ni keflin dahil gusto nyang isipin ko na wala lang sakanya iyong ginawa kong paghalik. Siguro kaya nya pinagpalit si Franz at itong lalakeng 'to dahil narin do'n! Nakakainis at nakakakulo ng dugo! Saglit kong sinulyapan si Keflin. Normal lang ang emosyon sa mukha nya. Tila naramdaman nya yata ang tingin ko sakanya kaya ipinikot nya ang ulo nya at tinignan din ako. Binigyan ko sya ng masamang tingin at ibinalik ulit ang tingin dun sa lalake at sakanya. Nangunot ang noo nya dahil don. Inirapan ko na lamang sya at napasandal sa upuan. Hayuff sya! Pinapasok nya yung lalakeng yon at umupo ito sa may dulo. Bahagya pa itong sumulyap sa'kin dahil parang namumukhaan nya ako kaya naman, tinignan ko rin sya pabalik at tinaasan ng kilay. Napailing lamang ito habang nakangisi bago humarap sa harapan. Nagsimula ng mag-discuss si Keflin tungkol sa naudlot nyang discussion kanina, habang ako ay bagot na bagot na kunwaring nakikinig. Argh! Ba't ba sunod sunod ang kamalasan na nangyayare sakin ngayong taon na 'to? Parang gusto ko nalang tuloy maglaho o 'di kaya ay maging sanggol ulit pero sempre, biro lang! Ngayon pa ba na college na'ko? Ang hirap kaya mag-aral, nakaka-stress! Mas okay narin siguro 'to dahil kunting kembot nalang, Graduate na'ko! 'Yon ay kung papasa ka Bulong ng kung ano sa'kin. Hoy! Papasa ako 'no! For your information, History lang ang subject na nahihirapan ako at the rest, wala na. Tsaka, malabong 'di ako papasa dito dahil may tutorial class naman tsaka may mga natututunan naman ako do'n 'no! May natutunan nga ba o, Lumalandi lang? Bulong nanaman ng isang bahagi sa isip ko. Ofcourse meron 'no! 'di naman ako si landi landi lang, sempre meron! Tsaka kailan ba 'ko lumandi, ha? Wala akong maalala. Kesa makipag-usap sa sarili kong isip, itinuon ko na lamang ang atensyon ko kay Keflin na nagtuturo sa harapan. Masyado syang seryoso at bahagya pang may action kung magturo. Talagang feel na feel nya. Grabe, kapansin-pansin parin ang naglalakihang braso nya at sempre ang ganda ng katawan nya! Nakakapang laway! Pinag-nanasaan mo pa kala ko ba naka move on kana? Anak ng! Ba't ba bulong ka ng bulong at puro ka nalang kontra? Oo, naka move-on na'ko at hindi ba pwedeng purihin lang yung katawan nya? Natapos ang oras ng wala akong natututunan sa subject ni Sir. Ang naintindihan ko lang ay yung field trip na diniscussed nya. Mangyayare raw yun sa susunod na linggo. Nasa labas na'ko sa hallway ng marinig kong may tumawag sa'kin. Saktong paglingon ko ay nakita kong si Handsome boy yun na hinalikan ko sa cinema. Agad akong nag-iwas ng tingin at binilisan pa lalo ang paglalakad kasi nakakahiya! Ramdam ko namang binilisan nya ang kanyang paglalakad para makahabol sa'kin. Anak nang! Kulit naman oh! 'di ba nya alam na umiiwas ako!? Wala na 'kong magawa ng tuluyan nya na'kong naabutan. "Hey, how are you?" Tanong nya sa'kin. Ay naks, englishero ah? Well, pwede na! "Im fine." Maiksi kong sagot. "Alam mo," " 'di ko pa alam." Putol ko. "Haha, sempre patapusin mo muna ako." Sabi nya. "Okay." "Hinanap kaya kita pagkatapos mo 'kong halikan at lumabas ng cinema," sabi nya na parang wala lang yun o kumbaga, nagkwekwento lang. Abnormal ba sya? Ba't 'di sya nahihiya na sabihin sa'kin yun?? Kumaliwa ako ng daan at bahagya nya kong hinawakan sa braso. "Doon ang exit," sabi nya at turo sa kanang bahagi. Napabuntong hininga ako at 'di sya pinansin. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad habang sya ay nakasunod. "Teka, dito papunta sa mga faculty ng mga teachers, ah. Hmm, Don't tell me my tutorial class ka ngayon!?" Halos pasigaw nyang sabi. Binigyan ko sya ng masamang tingin. "Oh, sige, lakasan mo pa at pagsigawan mo na kasali ako sa tutorial class," Lumaki ang mga mata nito. "Teka? Kasali ka nga!?" Halos pasigaw nyang tanong. Napa-irap ako dahil sa ingay nya. Nakakahiya kaya. "Oo kasali ako, kaya pwede ba? Manahimik kana! Ang ingay ingay mo!" "Ganda mo sana kaso..." "Kaso ano? Bobo ako ganon? Hoy, baka gusto mong pakita ko sayo grades ko sa ibang subject." Panghahamon ko sakanya. Napakamot ito sa ulo. "Grabe ka, wala pa naman akong sinasabing ganon." "Bahala ka sa buhay mo. Layuan mo na 'ko pwede ba?" Sabi ko at binilisan ang paglalakad. "Okay, selene. See you tomorrow!" Paalam nya. Nakahinga ako ng maluwag ng mawala sya. Nasa tapat na ako ng faculty ni Sir ng may narinig akong nagsisigawan na para bang mga batang nagtatalo. Nacurios ako at tinapat ang tenga sa pintuan. "What? I just did what you want me to do! Gusto mong ipalipat si Franz and i did!" Sabi ng kaibigan ni Sir. Kumuyom ang kamao ko dito. Tama nga ako na si Keflin ang may dahilan kung ba't inilipat si franz! "Oh well, sad to say, wala ka nang magagawa tapos na ang three wishes mo. At 'di ko rin alam kung ano bang dapat mong kaselosan kay Franz e mas alam mo pa nga kung ano talaga ang relasyon ng dalawang 'yun e," We're friends. That's it... Is he jealous or something? Uh, probably not. Umayos ako ng tayo ng marinig ko ang galaw ng doorknob. Sign iyon na may humawak at may lalabas! "Oh, hi, Good evening." Bati ni Sir miller habang bahagyang nagtataka ang mukha. Siguro ay iniisip nya kung ba't ako andito! "Good evening... Uh, may tutorial class ako," sabi ko rito. Napatango sya. "Oh yes. I forgot. Well, come in." Kasabay ng pagpasok ko, ay sya namang paglabas nya. Katahimikan ang namuo sa kwarto dahil tahimik lang kaming dalawa ni keflin. Gumawa lamang ng ingay ang paglapag nya ng reviewer sa table. Kinuha ko naman iyon at nagbasa. Pilit na isinisiksik ang mga bagay bagay na 'di naman kasya sa maliit kong utak. Ipinapaliwanag nya iyon pagkatapos at binibigyan ako ng maiksing pagsusulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD