CHAPTER 6

1542 Words
Tinatamad kong idinilat ang mga mata ko at inabot ang cellphone kong tunog ng tunog dahil sa alarm. Kinusot-kusot ko muna ang mata ko bago pinatay ang Alarm. 8:00 am. Argh, katamad. Kung ba't ba kasi ako nagpuyat kagabi kakastalk sa kung sino-sino e. Ang totoo wala naman talaga akong balak na ganon. Kaso nung inistalk ko si Keflin kagabi, nakapunta ako sa kung kani-kaninong account. Hindi ko nga namalayan na mag aala-una na pala ng madaling araw e. Simula nung nag-break kami at naging okay na ako dahil nasanay na wala na talaga sya, Hindi na babalik, hindi na magchachat ay 'di ko na rin sya iniistalk. Kasi bakit pa, kung alam ko namang masasaktan ako kaka-asa 'diba? Sinong tanga ang gagawa non? Malamang ikaw. Tinatamad akong tumayo at nagtungo sa may tapat ng dora box para mamili ng susuotin. Sa huli ang napili ko ay longsleeve na puti at ripped jeans. Okay naman na siguro 'to at school naman ang pupuntahan ko. Tuwing Thursday and Friday lang kasi kami pinapayagan na hindi mag-uniform. Bale, nasa sa 'yo na kung mag-uuniform o hindi. Dali-dali akong nagpunta sa CR para maligo. Kaso parang inabot nako ng mahigit sampung minuto bago makapag-buhos. Ang cold kasi ni Water sa 'kin e. Hmmp! "Oy, bhie, sorry na, inano ba kita? Ba't ang cold mo nanaman?" Bahagya pa 'kong umupo kapantay ng balde. Hinahawak hawakan ko rin ang tubig para pakiramdaman. Aish, cold pa rin sya :( what did i do? "Hoy, selene, nababaliw kana? Sinong kausap mo?" Bahagya akong nagulat at napahawak sa may dibdib ng marinig kong may nagsalita sa labas ng cr. Okay ang OA ko. "Walang basagan ng Trip Gab. Ang cold sa 'kin ni Water. Tina-try ko lang naman makipag-bati. Baka sakaling maging warm ulit sya." Ani ko. "Gaga, tumigil ka nga andami mong alam." Maya-maya pa ay kumatok sya sa pinto ng CR. Pinagbuksan ko yon. Ganon na lang din ang pagtataka ko ng makita ko syang may hawak na termos. "Oh, ayan. Yan ang magpapa-init nyan. Hindi gagana yang pakikipag-usap mo dyan sa tubig, gaga." Dugtong nya at inabot sa 'kin ang termos. Kinuha ko naman 'yon at dali daling ibinuhos ang laman non sa balde. "Oh ayan, siguro naman magiging warm kana" pagka-usap ko ulit dito. Nakangiti ko namang ibinalik kay Gab 'yung termos. "Salamat Gabriella adora." Pagpapasalamat ko sakanya. Agad namang sumama ang mukha nito. HAHAHA ayaw na ayaw nya talaga ang tinatawag sya sa buo nyang pangalan. Padabog nyang kinuha sa 'kin ang thermos. Ayy, Galit na galit, gustong manakit? "Isa pang tawag sa 'kin ng Gabriella adora malilintikan ka sa 'kin." Pagbabanta nya. Nye nye dami mong knows Sinirado ko na ang pintuan at naligo. Nasa cr palang ako ay amoy na amoy ko na ang sinangag na niluluto ni Gab. Ang bango talaga ng bawang. Binilisan ko ang pagligo ng makakain na rin. Tapos naman na sya maligo at nakaluto na rin. Paglabas ko ay nakahain na ang kakainin namin. Fried rice,egg tsaka tuyo. Sarap sana kaso mangangamoy tuyo ako pag kumain nyan. Nakaligo at nakapagbihis pa naman na ako. Umakyat muna ako sa taas sa kwarto ko para mag-ayos at ilagay ang labahan ko. Inayos ko na rin yung mga dapat ayusin at dalhin sa school. Pagbaba ko ay nagsimula na kaming kumain. Habang nagkwekwentuhan. Ikwento ko rin kaya 'yung tungkol kahapon? Tanong ko sa sarili ko. Para naman 'di nya isipin na tatanga tanga ako 'no. "May chika ako," sabi ko at nag-isang subo pa bago nagsalita. "Nabara-bara ko si keflin kahapon" headline ko at nagtaas baba pa ang kilay na para bang may kainte-interesante sa ikwekwento. Agad namang nanlaki ang mata nya. "For real!?" Tanong nya. Taas noo naman akong tumango. "Owemji! Hindi kana boba!" Sabi nya at bahagya pa akong hinampas. Aray ha! "Ganto kasi 'yun..." Sabi ko at ikwenento ang nangyare kahapon. Ikwenento ko rin yung babala na sinabi nya. "Okay na sana e. Kaso medyo tanga ka parin sa part na yan." Sabi nya at iniligay sa lababo ang mga platong hugasin tsaka humarap sa 'kin. "Yan tuloy nabigyan ka ng treat. Alam mo ghorl, kung ako sa 'yo, bumawi ka sa patagong paraan." Sabi nya sa 'kin. Agad namang nangunot ang noo ko. "What do you mean?" Tanong ko sakanya. She smirked "i'll tell you later." *** "Hoy, andaya mo!" Pasigaw na sabi ko kay franz. Agad naman akong napatakip ng bibig dahil sa nakaagaw ng atensyon yung boses ko. Ay shet ba't kasi!? Andito kasi kami sa library naglalaro ng chess dahil boring nga at yung last subject nalang namin ang inaantay. Which is History. Kabagot lang. Natatawang yumuko si franz at kunwari ay nagbabasa ng libro dahil medyo masama na ang tingin samin ng librarian. Yumuko naman ako habang patawa-tawa pa. Bahagyang nagtaas ng tingin si franz at lumingon muna sa likod bago lumingon ulit sa'kin. "Yan kasi ang ingay mo" sabi nya at bahagyang tumatawa. "Ikaw kasi napaka daya mo! Maglaro ka ng patas 'no!" Sabi ko sakanya. Umiling lang sya habang nakangiti parin ang loko. "Tama na nga 'to" sabi nya at iniligpit ang baon nyang chess. Tumingin sya a wrist watch nyang mamahalin. Lol sana all mamahalin. "10 minutes na lang magsisimula na yung last subject natin" sabi nya at tumingin sa labas. Yung library kasi namin ay gawa sya sa glass. Kaya naman makikita mo talaga kung anong meron sa labas. Pero yung isa naming library, ay hindi. Nasa itaas kasi 'yun. Ito naman ay buong building lang ng library. Mas madaming estudyante ang nagpupunta dito dahil kompleto sa libro. Kaya kung gusto mo nang kakaunti lang ang tao, don ka sa kabilang library. Malapit nga lang din 'to sa faculties ng mga teacher. Kaya naman pag may kailangan silang libro, dito agad ang diretso. 'di ako umimik at tumingin lang din sa labas kung saan tanaw mo ang kalahati ng skwelahan. Oo kalahati lang dahil sa sobrang laki nitong school na 'to. Pagala-gala lang ang mata ko nang matanaw ko ang pamilyar na bulto. Si keflin! Naglalakad na sya at kung hindi ako nagkakamali, papunta na sya sa room namin! Agad akong napatayo at iniligpit ang mga gamit ko. hinila ko rin si franz. Medyo lutang pa nga sya pero sumunod din naman sakin. "Ba't ba tayo tumatakbo?" Tanong nya sa'kin ng makalabas kami ng library. Nasa hallway pa kami papunta sa building namin. Binitawan ko na sya. "Malelate tayo nakita ko si keflin papunta na sa room!" Sagot ko habang nagmamadali sa pag-lalakad. "Bawal ba malate?" Hinihingal nyang tanong. "Pwede naman. Pero nakakahiya. " Sagot ko ulit at hindi tumitingin sakanya. Patuloy lang ako sa paglalakad. At nang makarating kami sa tapat ng pinto, bahagya akong tumingala para makita kung ano nang ginagawa nila. Nakasarado kasi ang pintuan. Mula dito sa labas, tanaw ko sa maliit na salamin sa pintuan na may sinasabi si Keflin. Bahagya akong kumatok at napalingon naman sila sa pintuan. Kita kong lumapit sya at binuksan ang pintuan. Tumambad sa 'kin ang 'di ko maipaliwanag na tingin nya. Para kasi syang galit na ewan. Kahit kailan talaga ang gulo ng lalakeng 'to. "Come in." Sabi nya habang hindi parin inaalis ang tingin sa 'kin. Ba't ba sya nakatingin sa 'kin? Porket late? Tsaka ako lang ba ang late? Dalawa kaya kami. Pinasadahan nya rin ng tingin si Franz at tumingin ulit sa 'kin. Nagkibit balikat lang ako at diretsong pumasok sa room at umupo. Pinatayo nya saglit si franz para magpakilala. Ang mga haliparot naman ay malagkit na pinapasadahan ng tingin si Franz. Eww lang ah. "You may have a sit. Kahit saan. " Sabi ni keflin. Agad ko namang tinuro ang bakanteng upuan sa tabi ko. Si carla naman ay nakahawak sa balikat ko kesyo daw mawawalan sya ng hangin at kailangan nya ng oxygen. "Basta Hindi sa tabi ni Selene." Dugtong nya. Whatt!? Napatingin ako kay franz na ngayon ay nakakunot ang noo kay keflin. Si keflin naman ay nagkibit balikat lang at ibinuklat ang librong hawak. Argghh! Gusto ko magprotesta kaso wala akong magagawa. "Franz! Here!" "Dito franz!" "F-franz, dito ka sakin fafa" sabi naman ni Carla. Agad na nag-angat ng tingin si Keflin. "You can sit wherever you want but not near to selene." Ngayon ay Parang gusto ko na talagang sumabog! Ang kapal naman ng mukha nya! Masama ang tingin ko sakanya habang sya ay kibit balikat lang na nagbabasa ng libro habang nakatayo sa harap. Nakita ko namang sinenyasan ako ni franz na sinasabing "okay lang." Labag sa loob akong tumango sakanya. Sa huli naman ay umupo sya sa pinaka likod. Sa parte ng mga boys. Kita ko pang nakipag-apir ang mga kaklase ko sakanya na para bang wine-welcome sya. "Maglabas ng Isang buong papel." Sabi ni keflin. Naglabasan sila ng mga papel maliban sa'kin dahil wala naman akong papel. Kinalabit ko nalang yung nasa harapan ko at nanghingi. "May Quiz tayo ngayon." Sabi pa nya. Bahagyang nanlaki ang mata ko. Quiz!? Wala naman syang sinabi ah! At dahil wala syang sinabing may Quiz, bagsak ako ngayon. Nakakahiya pa kasi tinawag nya kami isa-isa para kuhain ang papel at alam mo kung anong mas malala? Sinabi nya score namin! 5 points lang ang score ko at yun ang pinaka-mababa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD