CHAPTER 7

879 Words
"totoo? Nasali ka sa mga itu-tor!? Pftt!! HAHAHAHAHA" Nanlalaki ang mga mata na tanong sa 'kin ni Gab. "HAHAHAHAH" Ayan nanaman at humagalpak nanaman sila sa tawa. Habang ako at tahimik lang habang katabi si franz. Tahimik din sya tulad ko. Oh, 'di ba? Sabi sainyo e kakampi ko sya. Anyway, nasa kotse kami ni kyle at naghahanda ng umuwi. Sabay sabay na kaming apat. May kotse si Franz at hanep, may sariling driver, besh! Talagang kinareer nya na ang pagiging mayaman. HAHAHA Sabagay, anak kasi sya ng isang Ferrer. Kahit naman ako 'no halimbawang anak ako ng isang ferrer itotodo ko na. HAHAHA "Yung totoo 'te? Anong balak mo?" Tanong sa 'kin ni Gab habang naghahabol parin ng hininga kakatawa. I shrugged. Hindi ko rin alam. "Maiintindihan ko sana kung sa math kaitu-tutor e. Pero seriously!? Sa History pa!? HAHAHA ang totoo taga sa'n kaba? Taga ibang bansa?" Tanong ni kyle habang nakangisi. Binigyan ko lang sya ng masamang tingin at tumingin nalang sa labas. Ang panget kasi ng view sa harapan ko e. Dalawang hayop, samantalang 'di naman ako makihayop. "Wag kana lang masyadong mag-alala. Malay mo 'di lang ikaw ang itu-tutor, 'di ba?" Pangungumbinsi ni franz. Tss, sana nga. "At kung madami man kayo, Kakausapin ko si Sir na ako na mismo ang magtuturo sayo." Dagdag pa nya. Hihi da-best talaga 'to si franz! 'di tulad ng dalawang unggoy sa harapan na daig pa ang mga baliw sa kakatawa. "Hmmm, talaga? Gagawin mo 'yon?" Tanong ko sakanya. "Oo naman." Sabi nya at ngumiti. Ngayon ay medyo nabunutan ako ng tinik kahit papano. Yess! Sasabihin ko talaga yun bukas na bukas din! "Yun ay kung madami kayong bumagsak..." Sabi ni kyle. Napasimangot ako dahil don. Ilang section ba tinuturuan nya? 4? 5? 6? Ayy, ewan! Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Nagtext pala si mama. Binasa ko yun. Mama TNT : Handa na ang pagkain, 'nak. "Uyy handa na raw yung pagkain sabi ni mama" sabi ko sakanila. "Yeyyy!" "Let's goo!" "Bilisan nyo na, kumukulo na tyan ko" Sabi nila habang naghihiyawan. Mga patay gutom solid naman mang-asar! Nag-drive na si kyle papunta sa bahay namin. Medyo traffic pa nga kasi uwian ng mga estudyante ngayon. Nanghuminto na ang kotse sa tapat ng bahay namin ay nagkanya-kanya na kaming labas at nagpaunahan sa pag-pasok sa loob ng bahay. Naka-abang naman si mama sa may pinto. Nag-mano mun ako sakanya at humalik sa pisngi. 'yung bunso ko namang kapatid ay busy kakalaro ng video games. Pero agad ding natigilan nang maramdaman kami. Agad naman syang lumapit sa gawi namin "Kuya franz, long time no see!" Bati nya rito at bahagya pang yumakap. "Yeah, haha long time no see" sagot naman ni franz at nakipag-apir pa dito. Ako ang kapatid pero 'di manlang pinansin. Tss. "Pumasok na kayo sa kusina. Handa na ang pagkain, lalamig yun," sabi ni mama. "Sakto! Gutom na 'ko. Kanina pa nga po kumukulo tyan ko e." Sabi naman ni kyle habang naglalakad papuntang kusina. Nauna na si franz at si Jairen don habang nagkwekwentuhan. Si papa naman ay nakikinig lang sakanila. Lumapit naman ako kay papa at nagmano. "Pa, kumusta?" Tanong ko rito at umupo sa katabi nitong upuan. Si kyle at Gab ay hayon, nagsasandok na kahit wala pa namang sinasabi. Patay gutom talaga. "Okay naman, habang tumatagal pagwapo ng pagwapo" natatawang sagot ni papa. "So, now alam ko na kung sa'n nagmana si Selene" bulong ni kyle kay Gab. Agad naman akong bumaling sakanila. "Hoy, narinig ko 'yun!" Sabi ko rito. Nagkibit balikat lang sya at ipinagpatuloy ang pagsasandok "Selene magsandok ka na rin. Nagsimula ng kumain yung mga kaibigan mo, oh" sabi ni mama. Nilagyan nya ako ng kanin at ulam sa plato. Nagkwekwentuhan kami habang kumakain at ang main topic namin ay sempre, si Franz. Bagong dating lang kasi at 2 years namin syang 'di nakasama 'no! Kaya normal lang na interviewhin namin sya. "At ang love life!? Galing kang amerika at sigurado akong madaming maganda don!" Sabi ni Gab. Napatango-tango naman kami at inantay ang sagot ni franz. Bahagya muna syang tumikhim. "Ahmm, wala pa po akong nagugustuhan sa amerika, e." Sagot naman nya. "We!? E baka naman may gusto ka nang iba? Ikaw, ha! Ako ang pinaka-bestfriend mo pero wala man lang akong alam tungkol sa love life mo!" Pagmamaktol ko rito. "Oonga naman! Baka may laman na 'yang puso mo," sabi naman ni Kyle. Tumango si franz. "Meron nga, matagal na.." sagot nya. Bahagyang nanlaki ang mata ko, "E bakit hindi ko alam!?" Tanong ko rito. Nagkibit balikat lang ito at ipinagpatuloy ang pagkain. Andaya nya! Lagi syang updated sa love life ko tas ako 'di man lang nya ako ina-updatan. Nang matapos kumain, ay pumunta kami sa sala para maglaro ng video game ni Jairen. Hindi ko alam kung anong tawag sa nilalaro namin at 'di ko rin alam kung pano laruin yun kaya 'di na 'ko sumali at nag-cellphone nalang. Binuksan ko ang sss messenger ko. Nagleave ako sa mga 'di naman na kailangan na subject. Tapos na kasi ako doon History at Mapeh nalang ang hindi. Nang makapagleave na sa lahat, ay nagscroll up and down nalang ako sa sss. Pampalipas oras lang hanggang sa napagdisisyonan na naming umuwi dahil may pasok parin bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD