CHAPTER 8

2298 Words
"Lahat ng itu-tutor, Dumiretso sa faculty ko." Sabi ni sir sa harapan at tumayo. Uwian na namin ngayon sa subject nya. Bahagya ring napataas ang kilay ko sa sinabi nya. Bakit lahat? Isa lang naman ako, ah. Wait! Don't tell me.. "Madami kami!?" Pasigaw kong sabi. Ay wait! Oo, pasigaw! Ngayon ay nakatingin nanaman sila sa 'kin. Nakakunot ang mga noo nila "Oh, no. Sorry my bad. I mean Selene, Go to my faculty after." Sabi naman ni keflin na halatang nang-aasar at sinasabing 'ikaw lang ang bumagsak' ugh! Kairita! "pfft... akala siguro nya babagsak pa tayo sa ganyang subject " "hahaha kaya nga" "taga sa'n ba si Selene?" "taga ibang bansa yata" Halakhakan ng mga kaklase ko bago lumabas ng classroom. Nagkibit balikat na lamang ako. Lumapit naman sa'kin si Franz. "Okay ka lang?" Tanong nito sa 'kin. Tumango lamang ako. "Oo, sanay na 'ko sakanila. Tsaka 'di na 'ko bata para umiyak. Nagbago na 'ko 'no!" Asik ko rito. Humalakhak lamang ito at ginulo ang buhok ko. Naiinis naman akong tumingin sakanya. Nakakapagod kasi magtali tapos guguluhin nya lang. Kinuha ko na ang bag ko para lumabas ng room. Tsaka ko lang din napagtanto na kami na lang ang tao dito sa room. Inunahan ko na sya sa paglabas. Humabol naman ito sa'kin at huminto na rin sa pagtawa. Bumaba ako ng hagdan at Dumiretso sa Cafeteria. Wala nang laman ang tyan ko. At dahil wala itong laman, 'di gagana ng maayos ang utak ko. Magshu-shutdown nanaman sya. At sempre bawal yun! Nakakahiya naman kay keflin e. Ang totoo, hiyang hiya na rin ako kay keflin kasi parang walang nagbago sakin after 2 years. Parang ako parin yung dating ako. Tapos nakakahiya talaga kasi bagsak nanaman ako sa History! Ewan ko ba, sa ibang subject naman matataas ang grades ko e, dito lang talaga. Pumila na 'ko para bumili ng makakain. Chips lang at biscuit ang kakainin ko ngayon. I think that's enough naman e. "Anong oras ka didiretso sa Faculty ni Keflin?" Tanong sa'kin ni franz. Hindi ko alam na nakasunod parin pala sya. "Siguro pagkatapos ko nalang kumain." "Ano namang kakainin mo? Tsaka ba't kaba andito? Andun ang pila para don sa mga gustong kumain ng kanin," sabi nya at bahagya pang tinuro ang kabilang side. " 'di ako kakain ng kanin." Sagot ko at humarap na sa tindera. "Potato chips po tsaka Bengbeng dalawa." Inabot ko narin ang bayad kong 50 pesos. Nang maiabot na sa'kin ang sukli at pagkain, naghanap naman ako ng mauupuan. At sempre, nakasunod parin sa 'kin si Franz na ngayon ay may dala dala ring sarili nyang pagkain. "Ohh,' bigay nya sa'kin ng C2. Nakalimutan ko nga palang bumili ng drinks. Nag-shutdown na nga talaga ang utak ko HAHAHA Inenjoy ko lang ang pagkain habang pinagmamasdan ang mga tao sa paligid. Maya maya pa'y naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Sinilip ko kung ano 'yun. Isang text sa Unknown number. ' You are 10 minutes late.' Basa ko sa cellphone ko. Napabuntong hininga na lamang ako. Ambilis naman ng oras. Bumaling ako kay franz. "Mauna na 'ko. 10 minutes na 'kong late. Mauna nalang kayong umuwi nina Gab." Sabi ko dito. "Paano ka naman?" Tanong nya sa'kin. Napabuntong hininga nanaman ako. "Franz, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi na nga ako bata..." "Oo na, pero sige. Papasundo nalang kita." Suhestyon naman nito. "Nakss! Yayamanin ka na talaga 'no!? Nako franz, wag ka nang mag-abala. Okay lang ako. Kaya kong umuwi mag-isa." Sabi ko at tumayo na. Kinuha ko rin ang mga pagkain na hindi ko naubos. Kinuha ko rin yung kanya HAHAHA mayaman naman sya e, bili nalang sya bago. NANG makarating ako sa tapat ng Faculty ni sir, inilapit ko muna ang Tenga ko sa pintuan. Nang marinig kong walang nag-uusap at tahimik ang silid, tsaka ako kumatok. Tatlong katok ang ginawa ko. "Come in." Baritonong boses yun ni Sir. Dahan dahan kong pinihit ang Doorknob. Hirap na hirap din ako kasi naman andami kong hawak na chips. "Why are you late?" Bungad sa 'kin ni Sir ng makapasok ako ng Faculty nya. 'di ako sumagot at tinuro na lamang ang mga pagkain na hawak hawak ko. Mukha na mang nagets nya 'yun. "Have a seat." Sabi nya. Umupo naman ako sa upuan na kaharap nya. Nakatingin lamang sya sa'kin habang nakasandal sa upuan nya. Walang emosyon ang mukha. "Where's your books?" Tanong nya sa'kin. Nagtataka naman akong tumingin sakanya. "Libro?" Tanong ko rito. "Haven't i chat you about that?" Tanong nya ulit. "C-chat?" Tanong ko naman ulit dito. "Don't tell me, hindi mo nabasa ang message ko sayo?" "Alangan, kaya nga 'ko nagtataka kasi 'di ko naman alam yan." Na-aamazed naman akong tumingin sakanya, "tsaka, we? 'di nga? Nagchat ka sa'kin?" Napahilot naman sya sa sintido nya. Ay, we? Stress na sya nun? " 'di ako nag online kagabi. Kaya 'di ko talaga alam ang pinagsasabi mo." Sabi ko rito at sumubo ng chips. Bahagya naman nya 'kong pikatitigan. "Are you sure?" Tanong nya sakin "Oo." "Then why did you reply to our groupchat, huh? " Sabi nya. Ay oonga pala! Nagreply ako sa ibang groupchat kagabi. "Ahh, 'di ko chineck ang Message request ko." Sagot ko sakanya. Tignan muna ako nito bago tumango. Umabante sya kaunti at binuksan ang drawer sa baba ng table nya. Kinuha nya ang printed reviewer doon. "This is your reviewer," sabi nya at inabot sakin yun. Kinuha ko ang Review at bahagyang binuksan ang bawat pahina. Nag-angat ako ng tingin habang hawak hawak padin ang reviewer. "Ahmm, wala na bang ibang dadating?" Tanong ko at tumingin sa pintuan. Tumaas ang isang kilay nya. "May inaasahan ka pa bang darating?" Tanong nya at sinulyapan din ang pinto. Malapit ang mukha nya sakin dahil nakahilig ang dalawang kamay nya sa mesa. Naiilang akong umiling. "A-ahh.. w-wala naman..." "Okay, akala ko may inaantay ka pa e," Napayuko ako. So ano? Ako lang talaga ang itu-tutor nya!? Owemji! Kahiya! Binuklat ko ulit ang reviewer at kunwaring nagbabasa. Ramdam ko namang nakatingin parin sya sa'kin habang nakasandal na sa upuan nya. Yuckks, kahiya ka self! "You don't have to pressure yourself. Just read it when you're already in your home." Tila nabunutan ako ng tinik ng sinabi nya yun. Parang gusto ko pangang magtalon talon sa sobrang tuwa! Dali dali akong lumabas ng sabihin nya yun. Bukas ko nalang talaga 'to basahin. Pero mababasa ko kaya? E sobrang pagod na pagod na rin ako pag umuuwi ng bahay e. Pag ako pa naman nakahiga deretso tulog kaagad minsan wala ng kain kain. Lumabas na 'ko ng school at nag-abang ng masasakyan dito sa tabing kalsada. Expected ko na rin naman talaga na aabutin ako ng siyam-siyam dito kasi ubusan ng trycicle. Ayuko namang lakarin yun hanggang sakayan ng jeep kasi nakakatamad at pagod na rin ako. May naaninag akong sasakyan na papunta sa gawi ko. Alangan papunta talaga kasi nasa tabi ako ng highway. Nakatingin lang ako ron hanggang sa mapalapit ito sa'kin. Laking pagtataka ko ng huminto ito mismo sa harapan ko. Napahakbang ako paatras kasi baka holdap yan o 'di kaya kidnap tapos tatanggalan nila ako ng lamang loob!? Ay nako! Yan ang uso sa f*******:! Handa na 'kong tumakbo ng biglang bumukas ang bintana sa passenger seat! Ay gagi! Dahan dahan kong sinilip ang loob ng biglang tumambad sa'kin ang isang taong unggoy. "Ahh!!" Tili ko dahil sa gulat. Bahagya ko pang natakpan ang mukha ko ng dalawang palad ko. "Psh, ang ingay mo. Baka may makarinig sayo, isipin nila may kababalaghang nangyayari dito." Dahan-dahan kong ibinaba ang dalawang palad ko at tuluyan ko naring naaninag ang hayop na nakasakay sa kotse. Si Keflin lang pala. ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ "Ikaw kaya makakita ng hayop na nagda-drive, 'di kaba magugulat at mapapatili?" Sarkasmong tanong ko rito. ︎ ︎ "Who are you referring at?" Tanong nya sa'kin. ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ "Alangan ikaw." Sabi ko at nag-rolled eyes pa. "Makaalis na nga. Ampanget ng view." Sabi ko at naglakad na. ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ "Teka sandali!" Tawag nito sa'kin. Tinatamad akong humarap nanaman. ︎ ︎ "Bakit nanaman?" "Sumabay kana sa'kin. Sigurado akong aabutin ka ng syam syam sa paghihintay." " 'di na. Kaya kong mag-isa." Sabi ko at nagpatuloy ulit sa paglalakad. Rinig ko naman ang pagbagsak ng pintuan ng kotse tanda na lumabas sya. At tama nga 'ko dahil ramdam ko na ang nagmamadali nyang yapak at pilit humahabol sa 'kin. ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ "Hatid na kita." Ba't ba ang kulit nya!? Nakakairita na ah!︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ "Hindi na. Kaya kong mag-isa." ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ "Hatid na nga kita sabi e!" Pagpupumilit pa nya at hinawakan ang isa kong kamay para pigilan ako sa paglakad. ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ "Hindi na nga sabi e! Kaya ko!" Sabi ko at inalis ang kamay nya. "Kinaya ko ngang mag-isa e! Kinaya kong wala ka! Kaya, kaya ko!" Sigaw ko rito. Para naman syang nabuhusan ng malamig na tubig at hindi makagalaw. Kumukurap lamang sya at bahagya pang gumalaw ang adams apple nya. ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ Ilang beses pa syang kumurap kurap bago nakapagsalita. "S-selene, delikado umuwi at maglakad ng gantong oras. Hindi na safe. Kahit isipin mo nalang na ginagawa ko 'to bilang professor mo," ︎ ︎ Umiling ako. " 'di na. 'di ko kailangan nyan." Sabi ko rito at tuluyan na syang tinalikuran. Pero para naman akong nakokonsensya dahil sa ginawa ko! Ano ba yan! Tama bang tinanggihan ko? Pero bahala na. Ayuko muna syang makita dahil naiinis din ako sa sarili ko. Tsaka buong magdamag ko na syang nakikita 'no. Bigyan nya naman ako ng time. Baka pati sa panaginip sundan ako ng kabayong 'yun! Creepy! Ramdam kong nag-vibrate ang phone ko kaya dali dali ko yung kinuha. Nakita ko ang pangalan ni Franz. Sya lang pala. Franz: andyan na ang susundo sayo. nakalabas kana ba? Me: Oo. dito na 'ko sa tawid sa antayan ng trycicle. Franz: Papunta na, antayin mo nalang. Me: thankyou! Nag-antay ako don hanggang sa dumating iyong magsusundo sakin. Hanep si franz ah! Yaman yaman na talaga HAHAHA. Pati yung driver naka-uniform! Pak! ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ Teka? Required ba talaga yun? O kung gusto lang ng amo? Ay ewan. ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ "Alam mo na ba address ko kuya?" Tanong ko rito. "Yes maam. Sinabi na po sakin ni Sir." Sagot naman nya. Tumango tango lang ako at nakipag kwentuhan dito hanggang sa maka-uwi. Nang makarating sa bahay, niligpit ko muna 'yung reviewer na binigay ni Keflin at tsaka natulog. Bukas ay pupuntahan ko si Franz.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD