CHAPTER 9 - Kissed A stranger

2111 Words
"Biglaan yata ah?" Salubong sa 'kin ni Franz ng pinagbuksan ako ng pintuan. Pumunta kasi ako sa condo nya dahil nakakabagot sa bahay at wala rin akong balak na mag-review. Pero dala dala ko naman yung reviewer na inihabilin sa'kin ni Sir. ︎ ︎ ︎ "Walang magawa sa bahay. Nababagot ako." Sabi ko at diretsong pumasok sa loob. Pabagsak kong inihaga ang katawan ko sa Couch nya. Oy, infairness ah! Ang lambot! Bahagya ko ring pinakatitigan ang condo ni franz. Tunay ngang malaki yun. May terrace pa nga. Plain lang ang kulay ng Condo nya dahil White lang ito. Pero sabagay, white naman ang paborito nyang kulay. Andami ring paintings ang nagkalat. Halatang mamahalin pa ang mga ito. Lahat yata ng bagay dito sa condo nya ay mamahalin. Sinulyapan ko sya na nakaupo sa single sofa. "Okay lang naman diba kung aabsent ako sa work?" Tanong ko rito. Sya kasi ang may-ari ng hotel na pinapasukan ko. "Sure" ︎ Nakss! Yaman talaga! HAHAHA "Anong pinunta mo dito? Kabigla e." Tanong nya ulit. Inirapan ko nalang sya. Ulit-ulit kasi ang tanong e. "Binigyan ako ni Keflin ng Reviewer tinatamad ako sa apartment namin kasi wala akong kasama. Pumasok si Gab e." Sabi ko nalang. "May pagkain kaba?" Tanong ko rito. Tumango naman ito kaya agad akong tumayo at tinungo iyong mala closet na refrigerator nya ︎ ︎ ︎ Isa-isa kong hinanap yung gusto ko. Halos lahat na narito pero pizza ang gusto ko. Kinuha ko yun at bumalik sa sala kung nasaan sya. Sa'min, wala na 'yon yung mangalkal nang pagkain. Sobrang kumportable narin kasi sa isa't-isa. Refrigerator lang din naman ang kinakalkal ko-- namin. Napagkasunduan din namin na tuturuan nya ko sa pagrereview para naman 'di ako magmukhang tanga pag kaharap ko si Keflin 'di ba? At 'yon din ang pinunta ko rito. *** Anlaki ng ngiti sa labi ko nang makalabas sa opisina ni Sir! Ha-Ha kala mo, ah! Stupid, who? Well, not me. 15 lang naman mali ko sa 1-50 nyang test na binigay sa'kin. Para akong lumulutang dahil sa saya. Kulang na nga lang at magtatatalon-talon ako dito sa hallway e. Kaso nakakahiya naman. College na tas ganon parin umasta? Ay wag na. Dali dali naman akong lumabas ng School dahil inaantay na 'ko nina Franz sa labas. Magci-cine kasi kami ngayon tas libre naman ni franz kaya sempre, sama agad. Nang-makalabas, nakita ko na agad yung kotseng gagamitin namin papuntang mall. Agad naman kaming umalis ng makasakay ako dahil ako na nga lang ang inaantay. "Kain muna tayo?" Tanong sa'min ni Franz ng makapasok. "Sige ba! Basta libre mo?" Sagot naman agad ni Gabriella. Ayos talaga 'to, 'di na nahiya. Nilibre na nga kami ng pang-cine e. "Oh, sure. Sa'n nyo gustong kumain, selene?" Tanong nya sa 'kin. ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ "Sa jollibee!" Sagot ko naman agad. ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ "Jolibee nanaman? Kakasawa na. Lagi nalang tayong andoduon." Reklamo naman ni Kyle. "Nye nye nye" sagot ko naman sakanya. "I know a Good restaurant here. Let's go." Sabi ni franz at hinawakan ang pulsuhan ko sabay hila. Pinuntahan namin ang sinasabi nyang Restaurant. ︎ ︎ Labas palang nito ay alam nang mamahalin. Medyo makaluma 'to pero ang ganda talaga! Para kang nasa 19th century! Ang nice!︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ "Magandang Gabi, binibini" bati sakin ng waiter ng makaupo kami sa upuan. Hala grabe? Required talaga 'yon? Binibini tawag sakin oh. Sana all! Tumango ako dito. "Magandang Gabi." Sabi ko habang nakataas parin ang tingin sakanya at nakangiti. Nakatayo kasi sya at nakaupo naman ako. Yung uniform nila ay sobrang presintable. Para syang tuxedo tas may nametag na maliit. Parang jollibee lang. Ang pinagkaiba nga lang ay kulay puti at brown yung kanila. ︎ Nang makarating na ang pagkain, nagsikainan na kami at Dumiretso sa cine. Love story ang pinapanood namin at si kyle ang pumili. ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ Ilang minuto pa lamang at nagsisimula ng dumami ang tao sa loob. Bahagyang nangunot ang noo ko ng may matanaw akong pamilyar na tao. ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ Si keflin yun ah! Anong ginagawa nya dito!? Manonood din ba sya ng Love story!? Ganyan na ba talaga sya kabaduy!? Nasagot din ang katanungan ko ng may humawak sa braso nyang babae. Ah, ganon? Kaya naman pala... Patango tango pa ako at bahagyang nag-iwas ng tingin. Napatingin ulit ako sa harapan ng marinig ko ang boses ng kasama nya. Aba, gustong umupo dito sa harapan namin! Pasimpleng lumingon sa'kin sina Gab dahil nalaman din nilang andito si Keflin. Ako naman, 'di sila pinansin at naka-focus lang sa dalawa. Halos mapatay ko na sila sa tingin at feeling ko luluwa nadin yung mata ko sa laki nito. Pero kibit balikat lang syang umupo pati nung kasama nyang haliparot. Epal! Epal talaga! Nakakagigil! Pakiramdam ko isa akong bulkan at handa ng sumabog dahil sa inis! Argh! ︎ ︎ ︎ ︎ Nagsimula na ang movie at 'di parin ako mapakali. Pahawak hawak pa sa braso tong haliparot na 'to kala mo naman mawawala si keflin sa tabi nya. ︎ ︎ ︎ Oh, kita nyo, napaka-landi talaga. May pa-patong patong pa sya ng ulo sa balikat ni keflin, putulan kita ulo dyan e! Ang panget ng view, kainis naman, oh.︎ ︎ ︎ ︎ ︎ Napasandal ako sa upuan at padabog na kumuha ng Pop corn na hawak hawak ni Franz. Natapon pa nga yung iba e. At dahil inggetera ako, inihilig ko din ang ulo ko sa balikat ni Franz. Kala nyo kayo lang ah. ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ Kaso 'di naman makikita ni Keflin 'to dahil nga nasa likod ako. Ay wait, "Franz, Cr muna ako ah. " Paalam ko rito. Napakunot noo naman sya. ︎ ︎ ︎ "Nagsisimula na ang movie. Sana kanina ka pa nag-cr. Maaabala mo yung ibang nanonood" bulong nya sa 'kin. "Sus! E bakit nga yung isang lalakeng gwapo na lumabas kanina 'di sila nagalit e. Tsaka, maganda rin naman ako. Kaya 'di yan magagalit." Sabi ko rito at tumayo na palabas. ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ "Ano bayan, 'di ko makita" "Bad timing naman 'to." "Patayo-tayo pa kasi e"︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ Masama kong tinignan yung grupo ng kababaihan na nagsabi nun. "Oh, eh anong gusto mo? Gumapang ako? Duh, 'di bagay sa'kin malagyan ng Germs." Sabi ko rito at dumiretso na sa paglalakad. Nang malapit na ako sa may labasan, sakto namang papasok yung lalakeng pogi. Teka lang? Nag-cr ba talaga sya? Ambilis naman. ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ Mas lalo kung binilisan ang paglalakad papunta dun sa may gwapo. Nang makarating sa harapan nya, ay walang pasabi ko syang hinalikan. Bahagya nya kong itunulak pero mas lalo ko pang diniinan. Wala na syang nagawa kundi ang hayaan ako. Naghahabol ako sa hininga ng tumigil. ︎ Nahihiya akong tumingin sa kanya. Kunot ang noo nya at bahagya ang pagkagulat. Malamang dahil sa ginawa ko 'to. Dahan dahan kong itinaas ang kamay ko at nag 'Peace' sakanya. Ramdam na ramdam ko ang tingin ng ibang tao sakin. Bumibilis rin ang t***k ng puso ko dahil sa sobrang kaba. Dahil yun sa ginawa ko. "Go beshyy! Wooahh! Ang galing mo! Mas maganda yung scene nyo kesa sa pinapanood!" Sigaw ni Gab at tumayo pa. "Ladies and Gentlemen, kita nyo ba yun!? Kaibigan ko yan!" Pagmamalaki nya pa. ︎ ︎ Halos lumubog na'ko rito sa hiya pero mini-maintain ko parin yung kalmadong mukha. Nakangiti pa'ko na para bang proud talaga sa ginawang paghalik. Kitang kita ko ang nagtatak at gulat na reaksyon ng mga tao. Ang hindi maipaliwanag na mukha ni Kyle habang pumapalakpak at bahagyang naka "o" ang bibig. At ang hindi maka-paniwala at masamang tingin ni Franz na parang may ginawa akong isang malaking kalokohan. Umiiling pa ito at parang may sinasabing uulanan ako ng sermon. At ang walang pake-alam na reaksyon ni keflin. Nang tignan ko sya, ay tinignan nya lang rin ako sandali at humarap ulit sa pinapanood sa harapan. Tinignan din ako sandali ng kasama nyang babae at isinandal ang ulo sa balikat ni keflin. Ramdam kong parang nag-c***k ang puso ko dahil dun. Ni wala man lang talaga syang pakealam. Pero, uhmm, siguro naman nakabawi na 'ko? Pero ba't parang wala manlang sakanya? Nakabawi nga ba talaga? O bumaliktad ang nangyare? Dahan-dahan akong tumingin sa lalakeng hinalikan ko na nakatingin din sakin. "Alis na 'ko. Nakakangalay tumayo dito." Sabi ko rito at lumabas ng cinema. Dumiretso ako sa labas ng mall at naghanap ng masasakyan. Ramdam kong uminit ang gilid ng mga mata ko at lumabo 'yun. Pumapatak na ang mga luha na agad ko ring pinunasan. This is all my fault. I was so desperate to take a revenge... Maybe this is not the right time yet...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD