CHAPTER 10 - Meeting Franz's Dad at the Mansion.

1634 Words
"tigilan mo muna ako pwede ba!?" Sabi ko kay Gab dahil pilit nya 'kong tinatanong tungkol dun sa lalake. E Hindi ko nga kilala kung sino yun e. Basta ko nalang hinalikan. "Okay, fine, fine. Pero ano? Anong feeling? Malambot ba labi nya??" Tanong nanaman nya. Bahagya kong ipinikit ang mga mata ko. "Pwede bang mamaya ka nalang magtanong Gab!? Patapusin mo muna ako kumain, please lang." Iretado kong sabi. Tumango-tango sya. "O, sige. Mamaya nalang pagkatapos mong kumain." Tumayo sya at kumaha ng kutsara sa lagayan at tumabi sa'kin pagkatapos. Kunot noo akong nagtaas ng tingin sakanya ng dumampot sya ng kanin sa plato ko. "Anong ginagawa mo!?" Tanong ko rito. "Duh, isn't it obvious? Tinutulungan kang kumain para mabilis kang matapos." Sagot nya at sumubo. Napa-rolled eyes nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain ng Kanin ko. Hindi talaga tatahimik ang buhay mo pag si Gabriella ang kasama mo. Minu-minuto ng gugulo o 'di kaya magra-rap. Sya talaga ang favorite rapper ko e. Nang matapos kaming kumain ng Breakfast ay dun naman kami tumambay sa sala. Nag-uumpisa ng magtanong si Gab. "E kung 'di mo naman pala sya kilala, e ba't mo pa hinalikan?" Nagtatakang tanong nya. "E kasi nga 'di ba gusto kong ipakita kay Keflin na hindi lang sya ang may bagong Jowa..Na ako rin..." Sagot ko rito. "E gumana naman ba?" Tanong nya. Napatingin ako sa taas. "Ahmm, nung tinignan ko sya parang wala namang reaksyon mukha nya e. Nakataas lang ang isang kilay nya pero wala paring reaksyon..." Ngumiti ako. "Parang wala lang sakanya." "E Hindi mo ba naiisip na baka itigil nalang 'to? Total parang wala naman talagang syang pake-alam sayo e. Nagmumukha kang desperada" Desperada? Yes tama sya. Itigil? Pwedeng pwede! Kung ba't ko pa kasing naisip maghiganti sakanya e wala naman na syang pake. Useless lang at wala akong mapapala. Siguro dapat, magmove-on narin ako? Tulad nya 'di ba nakapag move-on narin sya. "Sabagay. Kailangan talaga mag move-on narin ako." Sagot ko. "Besh, sorry ah..." sambit nya Kunot-noo akong tumingin sakanya. "Pinagsasabi mo?" "E kasi kung hindi ka namin pinush 'di mo naman maiisipan yan e..." seryoso nyang sabi. Napahalakhak naman ako dahil sa sinabi nya. "Pwede ba Gab, tigilan mo nga 'yan! 'di bagay sa'yo ang magdrama 'no. Ampanget." Sabi ko rito at tumatawa parin. "Tse. Panira ka rin ng moment. Pero back to the topic. Wala ka talagang idea kung sino yung lalake?" "Wala nga." "Punta tayo kina Franz" bigla ay suhestyon nya. Napasimangot ako. "Tss, ayuko dun, panigurado sesermonan lang ako nun." "Andon ang papa nya, ano kaba!" "E ano naman?" Tanong ko rito. "Oh, eh ayaw mo ba ma-meet? Nagtext sa'kin si Kyle kanina na susunduin tayo rito sa bahay. Pupunta tayo at dun magdi-dinner." Sagot nya. Napakunot noo naman ako. "Dinner?" Tanong ko. "Oo, ano kaba! Inimbita tayo!" Pasigaw na sabi nya. Nagtataka man ay tumango parin ako at Nang matapos ang usapan, tumayo na ako at gumawa gawa rin ng mga gawaing bahay. Nakakaboring naman kasi kung palagi akong nakahilata. Medyo tumahimik din ang mundo ko dahil si Gab ay nasa sala at nanonood ng paborito nyang Kdrama. Dumating ang hapon at naghanda na kami sa pagpunta sa Mansyon nina Franz. Nagsuot lang ako ng plain t-shirt, black shorts tsaka white shoes. Nagsuot narin ako ng itim na jacket. Bumaba na 'ko ng matapos. Ako nalang din kasi ang inaantay ni Gab at kyle. Nang makababa, pinasadahan nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Ehh? Sure ka dyan sa suot mo?" Nagtatakang tanong ni Gab. Bahagya pa itong nakangiwi. Tumango ako, "oo, bakit? May mali ba?" Tanong ko sakanila. "Oo! Abnormal kaba!? Antagal tagal mo tapos 'yan lang pala ang susuotin mo!? Selene, baka naman pwedeng mag hanap ka ng iba pang damit!?" Sagot ni Gab. Oh, well, nakalimutan ko... Naka formal attire sila. "Oonga, selene. Masyadong plain yang suot mo eh." Dagdag pa ni Kyle. Umiling ako. "Wag na. Magdi-dinner lang naman tayo dun. Tsaka wala ng oras oh," sabi ko at ipinakita sakanila ang oras sa cellphone ko. Kailangan makarating kami dun before 15 minutes. Pero ayos lang naman dahil malapit lang. 'yon ngalang, nakakahiyang ma-late. Nagkibit balikat silang dalawa. "Bahala ka..." Sumakay na kami sa kotse ni Kyle at naghanda ng pumunta dun. Medyo kinakabahan pa 'ko dahil first time namin makilala ang papa nya. Noong nakalipas na dalawang taon, ay dun lang din nakilala ni Franz ang Biological father nya. Mayaman ang Papa nya at sikat pagdating sa larangan ng negosyo. Sana all, 'di ba?. Kaya naman, malaki-laking kayamanan ang makukuha ni Franz. Nang nasa tapat na kami ng Gate nila, ay pinagbuksan kami ng Guard. Halos malula pa kami dahil sa laki nito na Parang mala-palasyo Wow! Nagdrive pa si kyle hanggang sa mapahinto kami sa may tapat na ng entrance. Tanaw naman agad namin si Franz at ang matandang lalake na naghihintay dun kaya agad kaming bumaba at sinalubong sila. "Wow franz, grabe 'tong bahay nyo ah! Mala-palasyo!" Manghang sabi ni Gab. Ngiti lamang ang ibingay ni Franz. Si kyle ay nakipag shake-hands doon sa papa ni franz. Ako naman, nakatanaw lang sakanila dahil 'di ko alam kung anong gagawin ko. Nagulat ako ng mapatingin sa'kin ang Papa ni Franz. Ang ganda ng mga mata nya! Color brown! "You are selene?" Tanong nito sa'kin. Dahan-dahan naman akong tumango. "Opo..." Dahan dahan syang lumapit sa'kin at sinalubong ako ng yakap. Bahagya pa'kong nagulat at napatingin kay Franz dahil nabigla ako sa ginawa ng papa nya. Ngumiti lang sa'kin si franz na para bang sinasabing "okay lang yan... Let him." Tumagal ng mga dalawang minuto ang pagyakap sa'kin ng Papa nya. At nang makawala ako sa yakap nya, nakita ko ang maliliit na butil ng tubig sa mata nya. Handa na iyong mahulog ng punasan nya. Nakakapagtaka at ang wirdo nya. Inimbitahan na kaming pumasok sa loob. At habang naglalakad, tumabi ako kay franz at bahagyang bumulong. "Anong nangyare sa papa mo?" "Nawalan kasi sya ng babaeng anak ng mahabang panahon kaya ganyan... Pagpasensyahan mo na, selene." Bulong nya sakin pabalik. Ngayon ay nakukuha ko na kung bakit... Kawawa naman sya dahil nawala na nga sakanya si franz noon, nawalan pa sya ng isa pang anak. Hayy, buhay... Habang papasok kami, kitang-kita iyong mga naglalakihang chandelier na naka-sabit at mga painting na halatang mamahalin din halos ang mga desenyo sa bahay nila ay kulay Ginto o di naman kaya, silver. May mga Antique rin na nagkalat sa paligid. Ang ganda! Walang maids na nagkalat dahil nasa iisang parte lamang sila at nakatanaw sa'min habang naglalakad. Pumasok kami sa nakabukas na Glass door. May swimming pool sa gilid at puno ng lights ang paligid. Andun rin ang table at Kitang kita namin kung gaano karami ang pagkain na nakalagay dun. Umupo kami at kaunting usap pa bago kami nagsimulang kumain. Mayaman ang kaharap namin pero parang 'di manlang kami mahiya o makaramdam ng ilang sakanya. Sobrang welcome nyang tao at ang gaan kausap. "Hmm, Gusto nyo bang mamalagi muna dito?" Tanong nya sa'min pagkatapos sumubo ng panhimagas na kinakain nya. "Ay opo! Sure po! Gusto po namin yan!" Agad na sagot naman ni Gab. Tumawa lamang sya at tumingin sa'min ni kyle. "Kayong dalawa gusto nyo ba?" Tanong nya. Napatingin ako sa taas. Wala naman sigurong masama kasi walang importanteng schedule or gagawin sa schoool. Tsaka panigurado pagpumasok ako bukas, baka mukha lang ni Keflin ang maaabutan ko don. Tumango ako. "Opo, ayos lang po." "Ayos lang din po. 'di kami papasok bukas para sabay sabay kaming bumagsak. Atleast pag bagsak ako, bagsak din silang lahat." Sagot naman ni Kyle na-ikinatawa lang namin. Tinaas nya ang baso nya. "Walang iwanan! 'di tulad ni Selene na iniwanan!" Binigyan ko sya ng masamang tingin pero parang wala lamang sakanya 'yun. Nagsitaasan na rin ng baso sina Franz maliban sa'kin. "Cheers!" Pasigaw na sabi ni Kyle. "Cheers!" Sagot nila at ipinagbangga ang mga baso sabay inom. Nakasimangot lang ako ng gawin nila 'yun. Nang matapos kumain ay hinatid kami sa silid na tutuluyan namin. Malaki ang bahay nina Franz kaya maraming pasikot sikot at madaming pintuan. Una naming inihatid si kyle at Gab. Magkatabi lang ang kwarto nilang dalawa kaya ganon nalang rin ang pagtataka ko nang mapagtantong ang layo ng magiging kwarto ko sakanila. "Franz, ba't anlayo ng akin? Hindi ba pwedeng tabi nlng kami nina Gab?" Tanong ko sakanya. "No. You have a room here." Sabi nya. "Kwarto ko?" Nagtatakang tanong ko. Kasi Kwarto ko raw? Saglit syang tumingin sa'kin at umiwas ulit ng tingin. "I mean, merong inireserba na kwarto sa'yo rito. At kung tatanungin mo kung ba't 'di nalang dun malapit kina Gab, ibang kwarto na kasi yun." Binuksan nya ang malaking pintuan. Pabilog ang loob noon at may mini terrace at Sofa sa gilid. May antique din at little terrace at sempre ang nakasabit na malaking chandelier sa taas. Pero ang nakakuha sa atensyon ko ay ang malaking wedding picture na nakakabit sa dingding tapos ang picture ng dalawang bata sa gilid. It was a baby picture of boy and girl. May ding pintuan doon at may iba't iba ang kulay. May black, silver,gold at pink. "Franz, yun ba ang nawawala mo pang kapatid? Hindi nyo parin ba sya nahahanap?" Takang tanong ko rito at itinuro ang litrato ng sanggol na bata. "Nahanap na." Sagot naman nya. "E asan sya?" Tanong ko. "Dyan lang sa tabi tabi." Sagot nya. "Anyway, yung kwarto mo ay iyong may pink na pinto." Sabi nya at itinuro yun. Lumapit din kami at binuksan nya yun. Namangha ako sa silid dahil halos lahat ng bagay dito ay kulay light pink. naiba lamang ang chandelier na nakasabit dahil kulay puti iyon. Sobrang lawak ng kwarto at may mini table pa tulad ng mga kwarto sa barbie na napapanood ko noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD