Gaya nga nang napag-usapan kagabi, dito kami tumuloy sa Mansion nina franz. Kasalukuyan akong nagtitipa sa cellphone habang nag-aantay doon sa dalawang Maid na kukuha ng susuotin ko ngayong araw.
Inisa-isa ko yung mga Groupchat namin Per subject dahil baka may Reminders na ibigay o yung mga importanteng detalye.
Nakarinig ako ng tatlong katok bago bumukas ang pinto. Andito na pala yung dalawang maid at dala-dala nila ang susuotin ko.
Nilagay nila yun sa ibabaw ng Kama at nag yumuko bago umalis ng kwarto. Wow! Hanep ha! Masyado silang pormal kumilos
Inisa-isa kong tignan yung mga damit na dinala nila. Tatlong magkakaibang pares yun at sempre, naka-depende sakin kung alin dun ang susuotin.
Pinasadahan ko rin ng haplos ang mga iyon. Hmm, mukhang gawa sa mamahaling tela
Pagkatapos ay pumasok na 'ko sa bathroom para makaligo. Tumagal ako ng halos mga isang oras dahil sarap na sarap ako maligo sa bath tub nina franz.
Bumaba ako pagkatapos dala ang bag at cellphone ko para 'di na 'ko aakyat mamaya pag aalis na kami.
Naabutan ko naman si Franz na nasa may sofa malapit sa tapat ng kwarto na tinuluyan ko. Sabay kaming bumaba dahil ako nalang din daw ang inaantay nya para makapag-almusal.
"Antagal ko ba?" Tanong ko rito habang pababa.
Sandali syang tumingin sakin. "Oo, 1 hour and 30 minutes kitang inantay samantalang ang aga aga ko naman pinahatid yung susuotin mo," sagot nya at hinawakan ang kamay ko para iguide ako sa direksyon.
"San tayo? 'di ba doon yung kitchen?" Nagtatakang tanong ko at itinuro yung kaliwang bahagi ng Mansyon nila.
Umiling sya. "Hindi tayo dyan. Dun tayo," sabi nya at itunuro ang labas kung saan kami nag-dinner kagabi. Ay, edi dun ulit
Madilim kagabi pero maganda parin naman ang view. Pero ngayong maliwanag, kitang kita mo yung nag-gagandahang halaman nakasabit sa mga dingding. Pati narin iyong mga designs!
Yun nga lang, mas maganda ang swimming pool dito kapag madilim kasi may mga lights sa ilalim.
Nang makita kami ng papa nya, agad itong kumaway sa'min. Kumaway din ako pabalik.
"Good morning po," bati ko sakanya at nagmano.
"Good morning, hija. Upo ka" Bati nya sa'kin pabalik. Tumango naman ako at umupo don sa tinuro nyang upuan. Nagmano rin si franz tsaka naupo sa kaliwang bahagi ng papa nya.
Papa nya ang nasa dulo ng lamesa at kami naman ni Gab ay magkatabi habang kaharap sina Kyle at Franz. Ramdam kong patago akong kinalabit ni Gab kaya napatingin ako sakanya.
"Ano yun?" Bulong ko.
"Ba't antagal mo? Kanina pa kami nagugutom," tanong nito.
"Nasarapan maligo e." Sagot ko rito.
"Kumusta naman ang tulog nyo?" Nakangiting tanong saamin ng Papa ni franz.
"Ayos naman po. Mahimbing" sagot ni Gab.
"Sobrang ayos po. Parang ayuko na nga pong bumangon e." Sagot naman ni kyle.
Ngumiti lamang ako at 'di na sumagot. Total, ganon lang din naman ang sagot ko.
"Mabuti naman kung ganon," tugon nya.
"Mas mabuti po kung uumpisahan na po nating kumain! Hehe" bigla ay sabi ni Kyle. Nagulat kami don at agad syang binigyan ng masamang tingin.
Agad naman nyang narealize ang nasabi nya at napakamot ng ulo. Natawa lamang ang papa ni Franz
"O, sige, mabuti pa nga at mag-umpisa na tayo. Baka matagalan kayo sa pag-alis. Onga pala, san mo ba sila ipapasyal franz?" Tanong nito.
"Ipapasyal ko sila sa Farm. Yun kasi ang napili ni kyle dahil gusto nya raw makakita ng kabayo." Sagot naman ni franz habang nagsasandok ng pagkain.
"Oh, eh mahilig ka pala sa kabayo?" Tanong nito Kay Kyle. Pero bago pa man sya makasagot, inunahan na sya ni Gab.
"'Kailangan nya pong magustuhan at mahalin ang mga yun dahil kabilang sya sa ganoong angkan" sagot ni Gab na ikinatawa namin.
Napasimangot lamang si Kyle at nagdrama. "Kanina ka pa Gab. 'di kana nakakatuwa. Alam mo bang ako ang pinaka-gwapong kabayo pag nagkataon?" Sabi nito.
"Oh, edi ikaw na. Pero i remind you lang, walang gwapong kabayo. Same kalang ng Face sakanila." Sagot naman ni Gab.
Naging maingay ang pagkain namin ng almusal dahil sa parang aso't pusa na nagtatalo si Kyle at Gab.
Pagkatapos ay sumakay na kami sa kotse na pagmamay-ari din nila. Nakarating kami sa farm na tinutukoy ni Franz. Maganda yun at malaki! Pero ano pa nga ba ang aasahan namin, 'di ba?
"Magandang umaga, sir!"
"Magandang umaga, maam!"
Bati samin ng mga taong nandodoon. Bumati rin kami pabalik at nagpatuloy sa paglalakad. May mga kubo sa paligid na malamang ay dun sila namamahinga.
May isla malapit dito. May barko ring nakaparada na sa palagay ko, dun nilalagay yung mga ide-deliver.
May parteng mapuno at sa likod ng mapunong parte ay tanaw ko ang isang tubig ulit? Pero sa ngayon, meron itong falls at malinis na tubig! Na-excite tuloy akong pumunta don.
"Sainyo talaga 'to lahat, franz?" Tanong ni Gab.
"Pagmamay-ari ni Mom," sagot naman nya. Huminto kami sa 'Payag-payag' kung tawagin. Kadalasan ng probinsya meron nito kahit sa probinsya namin ay meron din.
"Asan na yung mga kabayo?" Tanong ni Kyle.
Ininguso naman ni Franz ang kabilang bahagi nito. Sa likod ng mga puno patawid pa don sa falls na tinutukoy ko.
"Andon. Ano ba gusto nyong gawin? Andon lahat ng hayop at dito naman prinoproseso yung mga oorderin. Kung nakikita nyo, may barko dun at chart kung saan nakalista ang mga order,"
tinuro nya yung parang tulay na daanan at meron ngang Chart na gawa sa kahoy don. Katabi nun ay ang mga kulay puting truck.
"Yan ang ginagamit para makapag-deliver." Dagdag nya. Tumango-tango lamang kami habang interesadong nakikinig.
"At yun naman ay nagproproseso ng mga gatas ng baka." Dagdag pa nya.
At madami pa syang itinuro. Tunay nga na malaki ang Farm na 'to at talagang kompleto. Sa huli, ay naisipan muna naming magpakain ng mga hayop dun.
Sabi ni Franz, ay pwede kaming manatili dito hanggang bukas ng umaga. Yun nga lang, another absent nanaman sa school.
Bale, bukas kami gagawa ng ibang activities dito sa farm tsaka madami pa kaming gustong ma- experience dito e.