"why are you absent for 3 days?" Tanong ni Keflin habang nakatingin sa libro.
Ngayon ay 'di ko na alam kung sinong tinatanong nya dahil sa libro naman sya nakatingin at hindi naman sa'kin. Nagkibit-balikat lamang ako at itinutok ang sarili sa Reviewer na binabasa ko.
"Hindi ka ba talaga sasagot!?" Biglang sabi nya sa mataas na boses. Saglit akong sumilip sakanya. Nakatingin parin sya sa libro at medyo masama na ang tingin nya ro'n.
Hala, naunsa ba na siya uy! Murag buang. Pa'no sasagot yan, e libro nga yan? May saltik talaga.
Hayy, buti nalang at naisipan kong mag-move on. Ibinalik ko nalang ulit ang atensyon ko sa Reviewer. Hayaan ko nalang syang mag-antay ng sagot sa librong hawak nya.
"Tinatanong kita," mahinahon pero may galit na sabi nya. Gosh, ba't andaming abnormal dito sa mundo?
'di ko na mapigilan ang pagiging Abnormal nya kaya naman, ibinaba ko at itiniklop ang Reviewer na hawak-hawak ko at hinarap sya.
"Abnormal kaba!? Nakakarindi ka! E pano naman kasi sasagot yan e libro nga yan!? May nakita kabang bibig nya!?" Pasigaw kong sabi sakanya.
"Kung wala bobo at tatanga-tanga ka. Breathe if you agree." Dugtong ko naman. Halos matawa ako ng makitang Huminga sya. HA-HA so, agree sya!? Ay naks, buti alam nya 'no?
Naramdam kong bumilis ang t***k ng puso ko ng dahan-dahan syang tumingin sa'kin. Halos pigil ko na rin pati ang paghinga ko kahit na 'di naman kami ganon magkalapit.
Para sa puso kong Duguan ng dahil sa unggoy na kaharap ko, please, calm down.
"Are you kidding me!?" Pasigaw nyang tanong sa'kin.
Kidding daw? Oh, tignan nyo, sobrang inlove na inlove pa talaga siguro sya sa'kin at pati yang word na yan ay ninakaw nya.
Akin talaga yan guys e. Sinabi ko yan nung mag-break kami. Hinaram nya lang. Da't marunong syang mag-lagay ng credits e...
"Linya ko yan e." Pabulong kong sabi at nag-rolled eyes pa habang binubuklat yung reviewer. Rinig ko namang napabuntong hininga sya habang nakatingin sa'kin.
"Seriously, im not in the mood to joke right now." Kalmado nyang sabi. Napatingin naman ako do'n.
"Wala ka rin sa mood makipag-biruan!? Aba! Same pala tayo e! Same vibes! Apirr!" Natutuwa kong sabi ko at naghigh-five sakanya para makipag-apir.
Pero nangawit nalang ang kamay ko ay hindi nya parin inilalapad ang kamay nya sa kamay ko. Masama lang syang nakatingin sa'kin. Ibinaba ko nalang ang kamay ko. "Sabi ko nga wala ka sa mood e."
"Ba't ka absent ng 3 days?" Tanong nya.
"Sino? Ako o yung libro?" Tanong ko pabalik.
"Nakita mo bang may bibig 'to at makakasagot!?" Tanong nya ulit sa'kin.
Napakamot nalang ako sa ulo ko. "Hihi, sabi ko nga ako."
T-teka!?
"Ba't ka nagtatanong!?" Tanong ko sakanya.
"Why? Masama bang magtanong? Ako ang Professor mo and i think, may karapatan akong malaman yun." Sagot nya.
Ows? Akala ko naman may something pa like nag-aalala. Tss, assuming award Goes to, Selene! Palakpakan!
"Ba't ako lang tinatanong mo e di lang naman ako yung absent ah?" Tanong ko ulit sakanya.
Nanggi-gigil naman syang napakamot sa ulo nya at parang inis na inis na nakatingin sa'kin. "Seriously, Kailangan pa ba talaga ng maraming tanong bago mo sagutin yung tanong ko!?"
"Oo. Hihi" pabiro kong sagot sakanya. Pero parang nadagdagan ko lamang ang panggigil nya dahil mas lalong sumama ang tingin nya sa'kin.
"Okay fine. Chill, dude. Wag ka masyadong mang-gigil at wag mo rin masyadong lakihan mata mo. Sige ka, luluwa yan tapos mawawalan ka ng mata" Pananakot ko sakanya pero parang La Effect dzaii!
"Hihi. Seryoso na. E kasi pumunta kami sa bahay nina Franz. Nag-stay kami dun for 3 days at nag-enjoy kami dun sa Farm nila. Ansaya nga e kasi may isda,baboy,manok,baka tsaka kabayo! Astig 'di ba!?" Tanong ko sakanya. "Tapos alam mo ba yung farm nila hindi ordinaryong farm yun!? E kasi may dairy milk!" Proud na sabi ko sakanya.
"Dairy milk?" Nagtatakang tanong nya.
"Oo, yung dairy milk, yung para sa gatas ng baka..." Sabi ko sakanya at naghahanap ng magandang explanation dun para magets nya.
"Dairy factory," pagtama nya sa'kin.
Tumango-tango ako. "Ah, oo. Dairy factory. Tsaka alam mo ba nakita kita don!?" Excited na sabi ko.
"Nakita mo 'ko?" Nagtatakang tanong nya sa'kin.
"Oo! Andami mo pa nga e. Pero sempre alam ko naman kung nasan ka don. Kaso medyo mahirap tukuyin dahil ang mga unggoy, pare-parehas ng mukha!" Sabi ko at humagalpak sa tawa.
Bahagya syang nakayuko pero nakatingin sa'kin. Yung dalawang kamay naman nya ay nakahawak sa magkabilang ulo nya. Sakit yata ulo nya, bess.
"It really hurts, ang tawagin kang unggoy~" kanta ko pa dahil nga sa posing nya. Parang nagi-it really hurts. Nang medyo naka get-over nako, tumigil na 'ko.
"Tapos kana?" Tanong nya sa'kin. Habang seryosong nakatingin. "Oh, may pahabol pa?" Nakataas naman ang kilay nya ngayon.
"Saglit lang," sagot ko at nagpakawala pa ng mga maiiksing halakhak. "Okay na," sabi ko at nag-thumbs up pa.
Sandali syang sumilip sa wrist watch nya at tumingin sa'kin. "Wala nang time." Sabi nya. Napa "o" naman ako.
"It means, pwede na 'kong lumabas tama ba?" Tanong ko rito.
"After 5 minutes." Sagot naman nya. At pagkatapos non, sobrang tahimik nanaman.
"Kumusta?" Pambabasag ko sa katahimikan.
Kunot noo syang napatingin sa'kin. "Ba't mo natanong?" Tanong nya sa'kin at nagpakawala ng maliit na ngiti. Ay, sus, yang ngiting yan? Ay, 'di gagana yan. 'di kasi ako marupok.
Oh, wait! Maybe iniisip nyang may gusto pa 'ko sakanya kaya nya naitanong yun at nagpakawala ng maliit na ngiti! Ah-huh!
Napatayo ako at dinuro sya. Napaatras sya ng kaunti.
"Hoy, ikaw! For your information, wala na 'kong gusto sa'yo 'no! Baka nakakalimutan mo ikaw ang nang-iwan sa 'ting dalawa kaya
napaka-imposibleng magustuhan kita pagkatapos ng mga ginawa mo! Ang kapal ng mukha mo!" Sigaw ko sakanya.
Itinaas nya ng kaunti ang dalawa nyang kamay na para bang sumusuko sa mga pulis. "Oh, chill, wala pa 'kong sinasabi napaka-defensive muna. Pano pa kaya pag..." Pagpuputol nya sa salita nya.
"Pag ano!?" Pasigaw kong tanong sakanya habang nanlalaki ang mata.
"Wala, wala, wala" sagot naman nya habang umiiling at tumatawa. Binigyan ko lang sya ng walang ganang tingin. Kakatawa 'yon?
Kinuha ko yung bag kong nakapatong sa upuan. Lagpas 5 minutes naman na siguro kaya pwede ng umuwi.
"at sa'n ka pupunta?" Tanong nya sa'kin.
"Uwi na 'ko. Inaantay na 'ko ni Franz panigurado." Sabi ko sakanya sa normal na boses. Hindi gaya kanina na nakikipag-biruan ako.
Tinaasan nya lamang ako ng isang kilay at isinandal ang likod sa upuan nya. Ngayon ay seryoso na rin ang mukha nya. napa-rolled eyes nalang ako at hinayaan sya saka lumabas na ng Faculty room nya.