"Good morning," bati ni Julianne nang makita si Devon na papasok na sa trabaho. Tumango lang ang lalaki at walang paalam na umalis. Ipinagpatuloy lang ni Julianne ang pagkain. Siguradong galit sa kanya si Devon dahil sa pakikipaglapit niya kay Rio. Pero Rio is a nice guy. Isa pa, ginagawa niya lang ito para tuluyan nang maging masaya ang lalaki. "Kapag nawala na sa landas niya si Rio, siguradong pipiliin na siya ni Rosalie," sabi ni Julianne sa sarili. "Sa lahat ng mga dinanas niya sa kamay ni papa, he deserves to be happy." Tapos na siyang kumain at naghahanda na para pumasok sa trabaho nang makatanggap ng bisita. "M-monique..." bahagyang kinabahan si Julianne nang makita ang kapatid. Matagal na silang hindi nakakapag-usap ng babae at ang alam niya ay galit ito sa kanya. "H-hi," a

