Matutulog na sana si Perrie sa kanyang inuupahang condo unit nang makatanggap ng tawag mula kay Wesley. Nagtataka siya nang utusan siya nitong lumabas ng bahay. Siguradong importante ang sadya nito dahil hindi ito dadayo ng Davao nang walang dahilan. Ang balita niya ay nagtalo ito at si Devon at matagal nang hindi nag-uusap. "Wes, napadalaw ka." Bahagya siyang nakaramdam ng takot nang makita ang matinding kaba sa mata ni Wesley. "Kumusta si Kuya?" "Okay naman. Baliw pa rin," hindi man lang natawa si Wesley sa biro niya. "Rose, kailangan mong makumbinsi si Kuya na umalis na sa Davao. May plano sila ni Congressman laban kay Julianne kaya siya nakipagbalikan pero may sariling plano si congressman laban sa kanya. Tatraydurin lang siya ni congressman. Hindi naman natutupad ang paghihiganti

