"Anong kailangan mo sa akin?" tanong ni Congressman nang puntahan niya ito sa opisina nito. "Masaya ka na?" sarkastikong tanong ni Devon. "Sa umpisa pa lang naman balak mo talaga akong gamitin, hindi ba? Kaya mo ako binigyan ng bagong identity para may gumawa ng mga plano mo." Napailing ang congressman, "You're smart, Devon. The moment I saw you giving that speech on the stage during the SK election campaign, nakita ko ang sarili ko sa'yo. Alam kong malayo ang mararating mo. Hindi na ako nagulat nang malaman kong anak ka ni Danilo Macaraig. But you know what's your weakness? Marupok ka pagdating sa pag-ibig. Sana man lang namana mo ang pagiging maprinsipyo ng tatay mo pero hindi. Alam kong hindi ka na tutupad sa plano at hindi ako papayag. Since ayaw mo rin namang makipagtulungan, I need

