"Hey," ngumiti si Devon pero bakas ang lungkot sa mga mata. Napatingin ito sa hawak niyang wedding gown. "Magpapakasal ka? Wala pang one month tayong hiwalay ha?" "It's none of your business," galit na sabi ni Julianne. "It's time for me to be happy pagkatapos ng lahat ng ginawa mo. Isa pa, I was in love with Adam bago pa tayo magpakasal noon but he only wanted me as a friend. Kaya ako nagpabuntis sa kanya kahit hindi niya ako pananagutan. Pero ngayong narealize niya na mahal niya pala ako, alam kong magiging masaya na ako." Tila kutsilyo na sumaksak sa puso ni Devon ang ginawang pagtatapat ni Julianne. Second choice lang din pala siya nito. "Pwede akong maging kabit," out of no where ay nasabi ni Devon. Sanay naman siya na laging pangalawa lang. Natawa si Julianne. "Hindi ko kailang

