"Julianne?" mabilis na kinalas ni Devon ang pagkakatali ng mga kamay ni Julianne. Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi niya. "Pakawalan mo ako," nanggigigil na utos ni Julianne. "Hindi ako ang may pakana nito," paliwanag ni Devon. Gusto niyang matawa sa sarili dahil imbes na masaktan ay parang kinilig pa siya. Namiss niyang sampalin ng babae. "Maniwala ka, wala akong kinalaman dito." Isang masamang tingin ang ibinigay nito kay Marco. "Pakawalan mo ako, moron," it was the first time Devon heard Julianne cursed. "Actually, it's Marco," nakangising sagot ni Marco. "Nice to meet you." Lalong nanggigil si Julianne pero dahil nakagapos rin ang mga paa ay hindi ito makatayo. "So, ikaw na muna bahala dyan," sabi ni Marco kay Devon. "Siya ang alas natin para mapabagsak si congressma

