"Please, Devon. Iluwa mo'yan," natatarantang nilapitan ni Perrie si Devon. Kahit si Wesley ay kinabahan. "Kuya..." niyugyog nito ang lalaki na namumungay na ang mga mata. Nagmamadaling kumuha si Phoenix ng tubig at sinubukang painumin si Devon pero nakapikit na ang mga mata nito at hindi na gumagalaw. Agad namang tumawag si Zack ng ambulansya. Napapikit si Julianne lalo na nang nakitang nag-iiyakan na ang mga kaibigan ni Devon, lalo na si Wesley. Galit na lumapit si Perrie sa kanya at isang malakas na sampal ang ibinigay nito. She could taste the blood dripping from her lips. "I underestimated you. Tama sila, parehong-pareho kayo ni congressman," umaapoy ang galit na sabi nito. "No, it's not her fault," sabi naman ni Phoenix, "Alam nating anak siya ni congressman. Devon is just stu

