"I want to have twins too, like Wesley," wala sa sariling sabi ni Devon habang nakahiga at nakatitig sa kisame. Simula nang mamatay ang mga magulang niya, ngayon lang ulit siya nangarap. "Four kids, pwede na. Malungkot ang dalawa lang. But I don't mind kung boy o girl. I just wish maging kasing bait mo sila." Natawa ito nang makita ang reaksyon ni Julianne. "Sobrang imposible ba ng hinihiling ko?" "Devon..." "Sige na nga, kahit dalawa na lang." Malalim na napabuntong-hininga si Julianne. "I need to go back." Hindi nakaimik si Devon. "May kailangan akong ayusin." "I can't lose you, Julianne," nagmamakaawang sabi ni Devon. "I-I'll come back," pampalubag-loob ni Julianne kahit pa ang totoo, alam niyang imposibleng mangyari iyon. Baka nga hindi na sila magkita. "Magpapaalam lang ako

