"You still have the guts to show up," nanlilisik sa galit ang mata ni congressman. "Wala kang utang na loob pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para sa'yo. You could have denied na nandaya ka pero inamin mo. Dinungisan mo ang pangalan ko!" Napapikit si Julianne na ihampas ni congressman sa ulo niya ang baril. "You're so f*****g stupid! Kaya ka lang pinakasalan ni Devon ay dahil sa utos ko but you're too desperate na mahalin ka niya. Devon died for Rosalie. Kaya siya muntik mamatay noon dahil sinalo niya ang bala na para sana kay Rosalie. Si Rosalie ang mahal niya kaya kahit anong gawin mo, hinding-hindi ka niya mamahalin. Kaya ko siya napasunod sa gusto ko na makipagbalikan sa'yo dahil tinakot ko siya na papatayin ko si Rosalie. He never loved you. Pareho lang kami na kayamanan mo ang habol

