Kinakabahan siya na ewan. Parang may kakaiba sa dalaga. Hindi niya alam pero may pakiramdam siya na may gusto alamin ang dalaga mula sa kanya. "Ready ka na ba sa answer and question portion natin?" pukaw sa kanya nito. Ngumisi siya rito. "Kapag nasagot ko ba may kiss?" Sumimangot ito. "Wag mo nga haluan ng kahalayan ang eksena natin ngayon.." He chuckled. "Okay,Sorry.." Umupo ito sa carpeted floor habang siya naman ay nakaupo sa sofa. "Unang tanong,buo name mo?" Napamaang siya sa unang tanong nito. "Ano yan? Slumbook?"maang niya saad. Ngumisi ito. "Oo!" Marahas siya napabuga ng hangin. "Woman.." "Ariel Urillio.." "Ilang taon na?" "1oo years.." Napatingin ito sa kanya saka siya natauhan sa sinagot niya. Tumawa siya. "Biro lang..uhm,30...right,30 yrs old.." Tila naman hindi

