Araw-araw pinaparamdam ni Ariel kung gaano siya kaespesyal dito. Mula ng pumayag siya bilang nobya nito ay mas naging sweet at possessive sa kanya si Ariel. "Naextend ang honeymoon ni Ron kaya you are still our drummer.." inporma sa kanya ng nobyo. Dinala siya nito sa isang mamahalin restaurant for their dinner date. Nakangiti na tumango siya rito. Hindi siya nangangamba na matambay ulit pagkatapos kontrata niya sa Greenhulk dahil may nakaabang ng trabaho sa kanya sa isang resort bilang receptionist. Hindi naman nagustuhan ni Ariel na malayo siya ng lugar pero hindi siya nito napigilan pa. "Naextend ba talaga? Baka naman pinalano mo?" Napatingin ito sa kanya. Hindi nakaiwas sa mata niya na naguilty ito. Tinaasan niya ito ng kilay. Marahas ito napabuga ng hangin. "Honesty,yes...ma

