"Hindi ko inaasahan ang pag bisita mo?"umpisa niya ng makalabas sila ng bahay. "Kayo na lamang ang binabantayan ko sa mundong ito kaya asahan niyo na palagi niyo ako makikita.." anito. Huminto sila sa may puno. Mataas pa ang araw. "Wala pa ba siya nalalaman tungkol sa inyo?" Napasulyap siya rito at mariin na umiling. Napuna niya na tila napaisip ito pero wala naman sinabi. "May naisip na kayo paraan kung paano niyo ipapaalam sa kanya?" He sighed. "Hindi ko pa alam.." Tinapik nito ang balikat niya. "May itatanong nga pala ako.." may naalala siya na gusto itanong niya rito. "Ano yun,mahal na prinsipe?" Pumihit siya paharap rito. "May kakaiba ako nararamdaman..sobrang init,sa sobrang alab niyun para ako nauuhaw sa isang bagay na hindi ko alam kung ano yun?" Unti-unti ito ngumisi

