Agad na sumilay ang ngiti sa labi niya at paggaan ng pakiramdam niya nang madatnan ang dalaga na abala sa kusina. Agad na naramdaman nito ang paglapit niya. "Good morning.." nakangiti bati niya rito at sumandig sa gilid ng b****a ng kusina. Bigla napahinto sa pagtibok ang puso niya ng gumanti ng ngiti ang dalaga sa kanya. Malambing ang ngiti na tinugon nito sa kanya. "Goodmorning din!" "Oh bakit? Para kang nakakita ng multo diyan?" sita nito sa kanya sa bigla niya pagkatulala. Agad na natauhan siya. "Uhm,ang ganda kasi ng salubong mo sakin eh," namamangha niya saad. She chuckled. Lumapit siya sa center island na hindi inaalis ang tingin dito. "Kain na tayo!" Gusto niya isipin na baka maganda ang umaga nito dahil sa nangyari kahapon. Napangisi siya. Pinaglagyan pa siya nito n

